Mga Pahina

Sabado, Setyembre 3, 2011

Mula saa pagiging isang ESTRANGHERO sa pagiging SANDUGO ni Clara Maire M.Gallardo







IV-MERCURY, yan ang aking taon at pangkat noong ako ay nasa ika-apat na taon pa lamang sa highschool. Ako ay nagtapos ng aking highschool sa DON ALEJANDRO ROCES SR. SCIENCE-TECHNOLOGY HIGH SCHOOL. Ang ika-apat na taon sa highschool ang pinakamasayang taon sa lahat, ito rin ang pinaka hindi ko malilimutan na pangyayari sa aking buhay. Noong una hindi pa kami ganoon magkakasundo at magkakapalagayan ng loob ng aking mga kaklase kahit na ang iba ay kilala ko na sa pangalan at mukha may kulang pa rin. Noong kami ay nagkakilanlan agag naman naming nakuha ang loob ng bawat isa, hindi na kami nahirapan pa na mag-isip kung papaano kami magkakasundo agad na lang itong nangyari. Sa aming paaralan marami ang nagaganap kada buwan, merong buwan ng wika, buwan ng matematika ,buwan ng ingles at ang foundation day. Dahil ditto nagkakaroon kami ng mas mahabang oras upang magsama-sama. Sa tuwing may malaking pangyayari sa aming paaralan kami ay laging sumasali tulad na lamang ng “Jingle Rap” kada buwan ng nutrisyon at ng matematika. Sa lahat ng bagay kami ay sama-sama. Kapag ang isa ay may problema lahat ay dadamay at tutulong walang hindi kikilos. Tuwing kami ay pinagkakaitan ng kapalaran na manalo sa isang paligsahan tinatanggap namin ito ng buong buo sama-sama pa din. Ang aming pangkat ay mahilig kumuha at magpakuha ng litrato kaya naman napakarami naming litrato na magkakasama. Saan man kami magpunta kailangan mayroon kaming litrato hindi puwedeng wala dahil nakasanayan na naming ito. Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay para bang itinakda kami ng tadhana upang magkita-kita, dahil ang aming pagiging malapit sa isa’t-isa ay hindi mapapantayan. Ang aming pangkat ay mahilig umalis ngunit dahil na rin saaking mga magulang kadalasan akong hindi nakakasama sa kanila kaya naman ang ginagawa ko akin na lamang silang pinapapunta ditto sa aming bahay upang dito na lamang tumambay. Maraming beses na rin na kami ay nagovernight dito sa bahay. Ito na ang parang naging pangatlong tirahan nila bukod sa kanilang bahay at sa aming paaralan. Lahat ng sikreto ng bawat isa ay alam ng lahat halos lahat ng tungkol sa aming mga buhay alam namin. Noong malapit na ang aming pagtatapos sa highschool hindi namin sinayang ang bawat minuto, kami ay lagi ng gabi kung umuwi dahil sa kagustuhan naming magsama-sama at magsaya at makapiling ang bawat isa ng matagal. Sa mismong araw n gaming pagtatapos nasa kalagitnaan pa lang ang seremonya nag iyakan na ang aking mga kamag-aral dahil siguro nakakadala rin ang kanta, dahil doon ay napaiyak na rin ako, pagkatapos ng seremonya agad agad kaming nagyakapan at nag-iyakan na akala naming hindi na kami magkikita, siyempre magkakahiwahiwalay na kami ng pag-aaralan sa kolehiyo at magiging kumplikado na ang aming mga oras kung kami man ay magkikita hindi lahat makakasama. Ang araw na iyon ang huling “sleep over” sa aming bahay. Ngayong kami ay kulehiyo na minsan na lang kami magkita-kita ngunit ganoon pa din katindi ang aming pakikipagkomunikasyon sa isa’t-isa sa pamamagitan ng text at facebook. NAKAKAMISS ang mga kulitan, harutan,kwentuhan at iyakan. Ang sarap balikan ng nakaraan, lahat Masaya, lahat lumalaban,lahat ay bumabagsak ngunit tatayo para sa kapakanan ng bawat isa, SAMA-SAMA. Ganyan nabuo ang aking malaking pamilya, mula sa pagiging isang  estranghero sa pagiging SANDUGO!

1 komento: