Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Barkadahang Wagas ni Claribeth Zapanta

Ilang taon ding magkakasama
Itong barkadang puno ng saya
Sama – sama sa lahat ng bagay
Damay – damay sa lahat ng away.

Kaibigan tunay ay laging tapat
Ang tulong ay nilalaan sa lahat ng oras.
Sila ay mabait at marangal
Sa lahat ng oras ay maaasahan.

Sa pangangailangan sila ay handa
Nang ang kaibiga’y hindi mapahiya.
Sila ay nandyan kahit na magtiis
Upang mapagbigyan, totoong matalik.

Magkakasama sa bawat ligaya
Lungkot ay wari napalitan ng sigla
‘wag sanang dumating ang kinatatakutan
Pagkakaibigan ay humantong sa katapusan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento