Hindi pa alam ng lola ko ang nalalapit kong pagtatapos kaya naman ililihim ko muna sa kanya ito, hanggang sa araw nang aking pagtatapos. Ninais ko na gumawa na lang ng sulat ka kanya para malaman niya ang aking pagatatapos. Pagkalipas ng mga araw at isang dalawang araw na lang at pagtatapos ko na. Itong araw na to ay ilalaan ko para sa aking pag-aayos ng damit toga at iba pa. Handa na rin ang aking sulat para sa lola ko. Masayang-masaya ako sa lahat ng ito, Sa lahat ng pagsisikap ko ito na din ang magiging sukli para sa lahat ng paghihirap ko.
Medyo kinagabihan na at naghahanap pa din ako ng maayos na damit sa Divisoria. Sumakay ako ng jip at tila tanging ako lang ang laman nung jip. Sobrang pagod ako kakalakad at kakaikot sa Divisoria mura kasi mga bilihin. Nang biglang may sumakay na tatlong lalaki at tinabihan ako. Tinignan ko sila bakit ang luwag ng jip at nakatabi sila sa akin. Tumingin ako sa drayber, ang sama ng tingin sa akin at sabi niya hindi na daw ako makakababa. Kinabahan ako at walang nagawa kundi ibigay na lang lahat ng kung anong meron ako. Madilim ang paligid ng labas ng jip at huminto na din. Takot na takot ako walang akong magawa kundi ang umupo at tumahimik. Pinaglaruan pa nila ako at kung anu-anong pinag-uutos sa akin, pinagapang ako sa loob ng jip. Umiyak na ako isip-isip na isang araw na lang at magtatapos na ako at isip-isip ang lola ko na umaasa sa akin. Walang awa na sinaksak ako sa tagiliran at pinabayaan.
Dumating ang tagapa-balita ng eskwelahan ko sa lola ko. Dala-dala ang sulat ko para sa kanya.
Lola ko,
May maganda po akong balita sa inyo!, Malapit na po ang pagtatapos ko ng kolehiyo. Masayang-masaya po akong ikwento sa inyo ito. Inilihim ko po muna sa inyo upang ma-supresa ko kayo alam ko habang binabasa niyo ito ay naiiyak na kayo at natutuwa para sa akin. Kayo po ang inspirasyon ko upang pagbutihin ang pag-aaral ko, sa inyo ko lang po nilalaan ang lahat ng paghihirap ko. Sa panahong iniwan ako ng mga magulang ko kayo ang naging sandalan ko para maging isang mabuting tao. Maraming salamat po sa inyo. Gusto ko po na pumunta kayo sa araw ng aking pagtatapos. Kayo lang ang natitira kong pamilya at kayo lang rin ang naging matyagang alagaan ko. Sabay tayo pupunta ng eskwelahan at haharapin ang pagtatapos ko. Maraming salamat lola.
Nagmamahal Zhom,
Binalita ng eskwelahan ko ang nangyari sa akin. Narito ako ngayon sa ospital. Nahirapan sa mga saksak na ginawa sa akin pero salamat sa Diyos at ako ay nabuhay. Iyak ng iyak ang lola ko nang pumunta sa ospital na naroroon ako. Galit na galit sa mga taong gumawa sa akin nito. Pero sabi ko ok na yun basta nabuhay ako. Niyakap niya ako.
Dumating na ang araw ng pagtatapos ko, hindi ako makakapunta kaya’t lola ko na lang ang naging representante ng nakuha kong SumaCumlaude. Kinuwento skn ng lola ko ang tagumpay ko sa matagumpay na pagtatapos ko. Sinabi niya ang lahat ng naging paghihirap ko at ang naging pangalawang buhay ko. Masaya ang lola ko at may tindig na sinabi “sa wakas naging matagumpay din ang apo ko”.
Ang galing mo Zhom!
TumugonBurahin