ABANGERS - sila ang mga tao na nagaantay lang ng tamang tiyempo upang makasilip at magtanong sa kaklase nila. mahilig silang yumuko at kunwari ay nagbabasa at nagsasagot ng kanilang papel.
TEXTERS - ang mga taong ito naman ay para din abangers. yun lang nga ang diskarte nila ay ang pag gamit ng cellphone kung saan inaantay nila may mag GM o group message sakanila tapos pag naresib na nila ang message ,magpapaalam sila sa professor dahil kunwari ay may itetext sila na importante pero ang totoo babasahin lang ng nakaresib ang mga sagot na tinext sakanya.
KODIKOSKERS - eto ung mga taong matindi kung mandaya pag exam. sinusulat nila ang hindi lang ang mga uri o mga kailangan i-enumerate , kundi kasama na ang mga meaning ng mga salitang kinuha nila.
PASA-PAPEL - eto ung mga taong simple lang ang diskarte lalo na kapag ang mga professor nila ay medjo matanda na. ang mga pasimuno ng ganetong paraan ay ang mga magbabarkada sa klase. meron sakanila na nagaral talaga, tapos inaantay nila na matapos ang kaibigan nila tapos ay ipapalagay lang sa papel at tapos ay ibabato o pasimpleng ipapasa sa katabi.
iba iba man ng paraan , isa lang ang patutunguan. ang MAKAPANGDAYA sa EXAM.
kasali ka kaya sa mga estudyanteng gumagawa nyan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento