Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

KAIBIGAN LANG ni Jhammile Almeida


Mahal kita at mahal mo din ako.
Kahit na alam kong siya ang gusto mo.
Alam kong hindi pwedeng maging tayo,
Pagka't kanya ang puso mo.

Sabi mo mahal mo ako,
Ngunit bakit siya ang hinahanap mo?
Pinaparamdam mong mahalaga ako,
Ngunit bakit siya ang nais mo?

Manhid ka ba para di mo malamang nasasaktan na ako?
Dahil sa bawal kwento mo, suya lamang ang bukang bibig mo.
Gusto kong maniwalang mahal mo nga ako,
Pero anung magagawa ko? Kaibigan mo lang pala ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento