Sabi nila ang pag-ibig nga daw ay walang pinipili. Sa panahon ngayon siguro naman mas kaylangan natin maging matalino sa pagpili ng makakasama sa habang buhay at pagiging praktikal. Lahat naman tayong mga tao may pamantayan pag dating sa pag-ibig. Pero bakit ganun? Kapag ikaw ay pumasok na sa isang relasyon nawawala itong lahat na pamantayan mo sa pag-ibig? Karamihan sinasabi ng mga babae gusto nila mayaman, gwapo,mabait,nirerespeto ka at higit sa lahat yung mamahalin sila ng totoo. Yan ang tinatawag na may pamantayan sa pag-ibig. Ika nga nila “LOVE IS BLIND”. Masasabi ba nating love is blind kapag may nakita kang mag-syota pero sa paningin mo hindi sila bagay dahil maganda si babae at panget si lalaki? O kaya masasabi mo bang love is blind dahil nakakita ka ng mag-asawa na si babae ay nasa 20′s pa lang at si lalaki ay nasa edad 50 na? Lahat naman iyan ay may kabuluhan.Sa mundong ito age doesn’t matter nga daw pag dating sa pagmamahal, “Love conquers all”.
Ibinibigay mo nga ang lahat sa kanya pero minsan naisip mo bang may hindi magandang dulot ang sobrang pagmamahal? Dito na rin nawawala ang respeto sa isa’t isa. Para sa mga babae may anak at asawa, nandito na yung sinasaktan ka physically tulad ng pananampal at pambubugbog na halos ikamatay mo na, pero anung ginagawa mo? Nagpapakatanga ka pa rin hinahayaan mo lang siya na gawin sayo. Pilit mo pa rin lumalaban para sa ikatatagal ng relasyon niyo at para na din sa anak niyo. Di ba? Napakamakapangyarihan talaga ang pag-ibig. Meron ding kaso na sinasaktan ka emotionally o sa damdamin. Kalimitan nangyayari din ito sa mag syota. Pag nag aaway di maiiwasang magbitiw ng mga masasakit na salita. Wala ding nangyayari nagpapakatanga ka nanaman at dahil lahat yun sa “PAGMAMAHAL”. Lahat tatahakin mo at gagawin mo para sa pagmamahal.
Masarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nagmamahal. Masaya kasi may nagiging inspirasyon ka sa lahat ng bagay. Huwag mo nga lang abusuhin ang pagmamahal na ibinibigay sayo at ito'y pahalagahan mo. Isa lang masasabi ko “LOVE WISELY”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento