Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Tulog Lang 'Yan ni Charmaine C. Poyaoan



Biyernes ng gabi, ako'y walang magawa,
kung kaya't naisipang lumikha ng tula.
Habang ako'y nag-iisip ng paksa,
'di ko namalayan alas dose na pala.

Naisip ko wala nang patutunguhan pa,
sapagkat isip ko'y lutang na.
Ngunit hindi ko ito inalintana,
at pagsulat ng tula'y ipinagpatuloy pa.

Sabi nila pagtulog ay mahalaga,
pero bakit ko ba ito binabalewala?
Siguro nga dahil di ko pa nadarama,
sintomas ng sakit na maaaring kong makuha.

Hanggang ngayon ako'y nagtataka,
kung bakit 'di pa rin makatulog sinta.
Ako kaya'y may insomnia na,
o sadya lamang iniisip kita?

Ako ngayo'y naloloka na,
hindi dahil sa ako'y gising pa.
Kundi dahil ito'y binabasa mo pa,
kahit wala namang saysay ang tula.

O siya sige, ako'y matutulog na.
Baka antukin din pag nakahiga na.
Huwag kayong mag-alala,
gagawa ako ng panibagong tula.

Goodnight! Zzzzzzzzzzz =))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento