Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

G.I.G.S ni Ana Keziah A. Mendoza

Oy! May gigs sa sabado, punta ka?

Kapag iyan ang narinig mo, iisipin mo na inaaya ka para magpuntasa isang event na puro banda, kantahan, sigawan, rock and roll ika nga. Pero hindi sa kabataang katulad ko.

Ano nga ba ang GIGS na sinasabi ko? Growing In God’s Society. Iyan ang tinutukoy ko na GIGS. Isang organisasyon na ginawa para sa mga kabataan. “Corny” para iba pero sa akin hindi. Mas masarap at maganda kasi na habang maaga pa ay mamulat na ang bawat kabataan sa ganitong bagay kaysa naman uminom, manigarilyo at gumawa pa ng iba’t ibang uri ng bisyo.

Kumanta, sumayaw, tumugtog ng iba’t-ibang instrumento. Ilan lamang iyan sa mga pwede mong gawin at matutunan  pero siyempre hindi mawawala ang word of God – isa sa mga importanteng bahagi ng GIGS Fellowship.

Kapag sinubukan mong sumama sa aming youth fellowship, wala kang kailangang ipag-alala o ikatakot, welcome ka, don’t worry. =)

 “Together let’s grow! grow deeper in His holy presence
let’s grow! And offer Him our gifts and talents
‘coz this is how he wants us to be
Living by faith you and me
GROWING IN GOD’S SOCIETY
Together let’s grow!”

Kaya ano pang hinihintay niyo, sa sabado ah, kitakits tayo!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento