Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Badtrip !!! ni John B. Quiñones


Badtrip !!!


Naranasang mu na bang mabadtrip ? Hinde dahil sa mga taong kinainisan mo, kundi dahil sa mga Pangyayaring nag pakunot ng kilay mo at nag pa aning(nabaliw sa inis) sayo. Oo ako naranasan ko na din at ipapa alala ko ulit sayo ang ilan :

Ang matalsikan ng putik sa daan – ANAK NG PUTONG *&%^ !!  yan ang masasabi mo pag natalsikan ka ng putiK, Putik, PUTIK pag may dumaang sasakyan sa harap mo, isipin mo un ? papasok ka ng may putik, Putik,PUTIK  ang damit mo badtrip diba ?!
Ang maiwan ng sasakyan halimbawa, nakasakay ka sa jeep, tapos nakita mo na ang daming nag daanang bus na sasakyan mo pag baba mo ng jeep, eh malayo kapa kasi sa sakayan ng bus kaya hinde kapa bumaba, hanggang sa napababa kana dahil nasabik ka at pag punta mu sa sakayan ng bus eh wala ng dumaan …… g$%&*^(@#)  !!!
Ang matanggalan ng swelas ba yun ? (yung nasa ilalim ng sapatos mo) – oo naranasan kona to, buti nalang eh bata bata pa ko noon kaya hinde ko pa msayadong ramdam ang nakakamatay na hiya sa harap ng maraming tao. May kilala rin akong kaklase ko ngayon na natanggalan ng takong, mas malas sya kasi matanda na siya nang mangyari to … CRUZ ata apelyido nun .
Ang Maipitan ng kuko sa pinto – (ayoko ng ulitin ang mga censored words ko baka bumaba pa ang grade ko dito) Grabe ang sakit nito, swerte kapa kung mabubuhay pa ang kuko mu sa pang yayaring ito .
Ang mawalan ng Internet – sa panahon ngayon eh maraming tao ang naaaliw sa internet kaya’t minsan tayo’y nag mamadali pang umuwi sa bahay para lang makapag net. Kaya’t babaliktad lang ang nararamdaman mong pag kasabik pag sinabi sayong “Naputulan tayo, di pa kasi bayad ang Internet” 
Ang hinde mapanuod ang Last Episode ng Inaabangang palabas – nakaiglip ka dahil sa sobrang pagod mo kaya’t pag gising mo eh yung closing song ng palabas nalang ang inabutan mo FIRST BLOOD !. Ang gagawin mo ngayon eh mag iinternet ka kaso nga lang eh hinde pa bayad ang net mo …. DOUBLE KILL !
Ang mag Brown-out sa kalagitnaan ng iyong pag tatype –ipaliwanag ko pa ba ? Wag  na !

Ilan lang yan sa mga delubyong naransan ko, ayoko na kasing isipin pa yung iba baka maBADTRIP pa ako di pa matuloy tong ginagagawa ko :D . Ingat nalang sa mga KABADTRIPANG darating sa buhay mo Goodluck ! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento