Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

Oooooops. Bawal yan! :) ni Arlene Alim



Ang daming bawal sa mundo pero sige pa din tayo sa paglabag nito.

Narito ang ilan sa mga halimbawa:

1) BAWAL ANG UMIHI DITO! PUTOL ARI! MULTA 1,000 AT KULONG PA!

-Pero sige pa din ang ihi ni kuya kahit na katabi pa niya yung karatula, di ko alam kung 'di ba marunong magbasa yung tao o sadyang nagtatanga-tangahan lang sya.

2) SA JEEPNEY. NO SMOKING!

-Eto ang isa sa pinakakinaniinisan ko sa lahat, lalo na kapag nasa harapan ako at katabi ko yung driver. Nako, minsan gusto kong sabihin, "Kuya oh, tutuklawin na kayo ng karatula niyo, nasa harapan ninyo pa man din pero hithit pa din kayo ng hithit. Eh kung ireport ko kaya kayo" Pero minsan naman, may nasakyan din ako na mabait na driver, yung isang pasahero n'ya na studyante naninigarilyo, pinagsabihan nya na bawal manigarilyo. hayun, tinapon naman ni kuya. Sana lahat nalang ng driver ganito kabait no?

3) BAWAL ANG MAGTAPON NG BASURA DITO.

-Take note, dun pa sila nagtatapon sa mismong kinalalagyan ng karatula. Parang tanga lang diba? Hahahaha! Kapag tag-ulan, babaha dahil maraming nakabara na basura, tapos sinisisi nila ang gobyerno. Mga Pilipino nga naman.

4) BAWAL ANG TUMAWID. NAKAMAMATAY!

-Tawid dito, tawid doon. Bigla-bigla nalang tatakbo kapag malayo pa yung sasakyan. Ohh, Kumontra panget, diba kayo din tumatawid sa mga bawal, nakakatamad kasi dumaan sa overpass no? Hahaha.

5) BAWAL ANG DUMURA.

-Nakakadiri kaya yung mga taong dura ng dura sa tabi-tabi. Diba may batas na nagbabawal tungkol dito? Sana maaksyunan ng gobyerno.

6) BAWAL ANG MAGSULAT SA PADER.

-Tuwing ako'y nagagawi sa cr ng highschool hindi ko maiwasang mapailing. Eh, paano ba naman kaliwa't kanan ang nakasulat sa pader.  Masyadong mga papansin diba? Hindi lang dun sa lugar na 'yun, kundi sa iba pang lugar.

7) BAWAL ANG PUMASOK SA ESKWELAHAN NG LASING. (By Request)

-Andito ang paayusan ng hitsura kapag dadaan sa guard, at kapag nasa classroom na tulog agad. Hahahaha! Peace Men. :)

--
Hindi ko alam ang mga rason kung bakit nilalabag ang mga alam namang bawal, may mga gusto ba silang patunayan? Ewan ko. Ika nga ng iba 'Kanya-kanyang trip yan, WALANG BASAGAN' :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento