Mga Pahina

Linggo, Setyembre 4, 2011

Panganay o Bunso ni Frances Baroña


Sa ngayon di maiiwasan ang pagkaingit ng pangay sa bunso o bunso sa pangay sa attensyon ng magulang at iba pang aspeto.
Katulad na lamang na ang panganay daw sabi ng mga bunso ay
-mas pinakikingan ang opinyon
-mas pinagkakatiwalaan ng magulang sa PERA at iba pang malalaking responsibilidad daw.
-gumagawa ng bagay na malapit sa gawain ng magulang na gusto ng mga bunsong gawin(magluto, lumabas mag-isa atbp).
-palagi nalang daw magaling ang panganay sa bunso dahil mas maraming nagawa.. blah blah blah..
-at higit sa lahat, kailangan daw sundan ng bunso ang yapak ng panganay.. kahit ayaw ng bunso!

Ang mga bunso naman daw sabi ng mga panganay ay
-mas binibigyan ng attensyon ng mga magulang at dahil mas matanda kami ay kailangan na intindihin na lamang kahit di kaintindi-intindi.
-“spoiled brat!”, lahat ng gusto masusunod!
-kala ng mga bunso ay di sila binibigyan ng atensyon ng magulang pero sa totoo lang lagi nalang sila ang pinapansin!
-kahit bunso ang nagsimula ng away, bunso parin ang kakampihan!
-minsan “happy-go-lucky”, sarap buhay!
-at higit sa lahat, kinukunsinte palagi ng magulang kahit alam nang sila ang mali!

ano sa tinggin ninyo? Panganay o bunso?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento