Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Tibay at lakas ng loob ni John B. Quiñones

Tibay at lakas ng loob
Matapos ang maghapunan, dali daling umakyat si ken patungo sa kanyang kwarto upang i-tsek ang kanyang gamit kung itoy ayos na. Mag babakasyon kasi silang mag babarkada sa States at bukas ng eksaktong 5 ng umaga ang flight nila.
 Dumating na ang araw ng pag alis nila at nag kita kita na sila sa airport na kung saan sila sasakay papuntang States upang mag bakasyon. Sa loob ng eroplano, habang nag sasalita ang stewardes ng kanyang mga paanyaya ay masayang masaya naman ang mag babarkadang nag kukulitan at halos mayug-yog nila ang buong eroplano.
Ilang oras na ang tumagal sa byahe at malayo layo narin ang kanilang narating maya mayay …  tumagilid ang eroplanong sinasakyan nila at tila ito’y sumusulong paibaba, nakaramdam ng pangangatog si ken at halos di makapag salita .. halos lahat ng tao sa loob ay nag papanic na .. Nag salita ang stewardes na isuot ng mahigpit ang seatbelt na nasa gawing kanan nila. Maya maya’y lumabas ang assistant pilot ng piloto at pasigaw nitong sinabi na mag handa ang lahat sa pag landing dahil ang eroplanong sinasakyan nila ay nag karon ng malaking sira. Sa balitang iyon, nagulantang ang mga tao at lalong tumaas ang tensyon .. ang iba’y nag dasal ng matiimtim, ang kaibigan ni ken na si Michael ay napatawag na sa kanyang mga minamahal at nag paalam, yung iba nama’y napakapit nalang ng mahigpit sa kanilang seatbelt at pumikit habang ang iba’y nag sisigawan at nag iiyakan.. Sa pag landing ng eroplano ay sumayad pa ang isang pak pak nito sa tuktok ng isang nag yeyelong bundok na nag dulot sa eroplano na tuluyang mag loko at hanngang sa nahati na ito. Nahiwalay ang ibang tao sa eroplano at namatay ksama ang ibang barkada ni ken.
Nang mag kamalay si ken ay dali dali nyang tinignan ang iba pang kasamahan at tinulungan ang mga ito. Marami ang nag agaw buhay at namatay. Labing lima nalang silang natirang buhay ngaunit ang ibay sugatan.
Malamig ang paligid, walang ibang Makikita kundi ang mga nag kakapalang yelo sa paligid nila .. bakas sa kanilang muka ang pag kabalisa sa makapigil hiningang pangyayari..
“kaylangan kong mabuhay! May asawa’t anak akong nag hihintay sa aking pag dating” amok ng isang lalaking sugatan.
“mag hiwa-hiwahiwalay tayo, libutin natin ang lugar na ito, siguradong may daan paibaba sa bundok na ito” ang sabi ni ken na pilit nilalakasan ang loob.
Makalipas ang pag lilibot ay wala silang natagpuang daan oh anu pa mang paraan palayo sa lugar ng kanilang kinalalagyan.
Sumapit ang gabi at nag pasya ang lahat na mag pahinga sa natirang bahagi ng eroplano. “ kaylangan nating mag palakas kayat mag pahinga na muna tayong lahat” sabi ni ken.
Nang mag umaga, ang lahat ay nag hanap ng mga pantakep sa mga basag na bintana at sa hati ng eroplano upang hinde sila pasukin ng malamig na hangin sa gabi. Nakahanap rin sila ng mga maiinom at makakain na kaylangan nilang pag kasyahin hanggat di pa sila natatagpuan ng mga reskyuwer.
Dumaan na ang isang lingo at hnde parin sila natatagpuaan ng mga reskyuwer. Namatay na ang iba dahil sa sugatan at dahil narin sa pang hihina ng kanilang katawan… Sumapit ang gabi.
“iilan nalang tayong nabubuhay, wala na tayong makakain para bukas” ang ani ni ken na halos wala naring lakas.
“gusto nyo bang mabuhay ? makasama  ang inyong mga minamahal sa buhay ?” pahabol niya.
Isang malakas na OO ang tugon ng lahat.. “pero ken paano ? halos wala na tayong lakas at makakain ” ang sabi ng kaiibigang si Michael.
“mabubuhay tayo,  kakainin natin ang mga katawan ng ating mga kasamahang namatay na” ang sabi ni ken.
Nabigla ang lahat sa sinabi niya..
“pero masama ang pagkain ng patay na tao, isa itong mortal na kasalan!” ang pag salungat ng isang kasamahan.
“tama ka, pero ito nalang ang tanging paraan para makaligtas sa kagutuman” sagot ni ken.
“ ipag dasal nalamang natin ang mga kaluluwa ng ating mga kasamahang nasawi, kaylangan nating mabuhay para sa sarile at sa mga minamahal natin” ang pag sang ayon ni Michael.
Maya maya’y sumang ayon na ang lahat, mahirap mang sikmurain pero kinaylangan nilang gawin.
“mag pahinga na kayo at bukas ay … makakakain na tayo.. “ ang pilit na sinabi ni ken sa lahat.
Kinabukasa’y handa na ang lahat, nag hanap ang bawat isa ng pang hiwa ng laman upang tapyasin ang laman ng mga nasawing kasamahan at sinikmura itong kainin.
Lumilipas ang bawat araw at kinakaya nilang mag patuloy sa ganoon pamumuhay, hanggang sa isang umaga, habang umaasa ang lahat sa napaka imposibleng pag rescue sa kanila, sa kalagitnaan ng bundok na nag yeyelo ay may namataan silang isang malaking helicopter. Nabuhayan sila ng loob na para bang isang milagro ang nasilayan. Nag sisigaw ang lahat hanggang silay mapuna ng helicopter.
Isang matibay na kalooban at pag asa ang nag ligtas sa kanilang lahat na pinamunuan ni ken. Parang isang masamang bangungot ang kanilang naranasan at nalagpasan. Sila’y nailigtas at naibalik sa mga kani kanilang minamahal sa buhay at muling namuhay ng normal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento