Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

BUWAN NG SETYEMBRE ni Gabriel Rafael M. Paraiso

SETYEMBRE . Bukod sa malapit na ang pasko ? Ano nga bang meron ang buwan na ito ? Parang ang dami-daming nangyayari . At hindi lang basta ordinaryong pangyayari . Tila ito ang petsa na bumabago sa kasaysayan .

September  1 , 1939 …
Nagsimula ang World War 2 nung lusubin ng Nazi Germany ang Poland. Praning kasi si Hitler ehh.

September 2, 1945 …
Pormal na sumuko ang Japan sa Allied forces , ito ay hudyat ng pagtatapos ng World War 2.
Talo ang mga Hapon. Atomic bomb lang pala ang katapat.
Kaya babawi sila gamit si Godzilla, Voltez Five at ang Transformers.

September  11, 2001 …
World Trade Center Attacks .  Ang Semptember 11 attacks o tinawag na 9/11 attacks  ay naganap sa United States. Airplane Hijackings o ibig sabihin lang naman ay may nangielam na suicider sa eroplano na ang naging dahilan kung bakit nagcollapse ang World Trade Center sa New York City.

September 14, 1815 …
Pagtatapos ng Gallon Trade ng Mexico at ng pilipinas. May mga nagsasabi na higit pa sa Tatlong Siglo na pananakop ng Espanya ang epekto sa kultura ng Gallon Trade . Kaya ang Pilipinas kulturang Latino, hindi Oriental.

September 12, 1896 …
Pinatay ng mga kastila ang Labing-Tatlong Rebolusyunaryong naging TreCe Martires ng Cavite. Kita mo akala natin sikat lang ‘tong lugar na ‘to dahil malapit sa SM Dasmariñas at Robinsons. At kung wala kang makikita dumeretso ka nalang sa Puerto Azul at Tagaytay.

September  13, 1907 …
Napatay si Macario Sakay. Sino si Macario Sakay ? Siya lang naman ang kahuli-hulihang Heneral  na sumuko noong Philippine-American War. At mukha rin siyang nagbabanda .

September  18, 1891…
Pinublish ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo. Malamang nabasa mo na ang Comics Version nito para sa assignment mo noong High School ka pa.

Semptember  21, 1972 …
Martial Law. Bawal na ang Long Hair, bawal na ang maingay, bawal ang rally, bawal magpahayag, at bawal mag-isip noong panahong ito.

AT ANG PANGHULI...

September  26, 2009…
BAGYONG ONDOY. Malupit ang pinsalang dinulot nito sa ating mga pilipino. Kung ang mga nasabing Petsa ay parang walang epekto at parang napakalayo sa mga buhay buhay natin . Siguro ito may pakielam ka .

Eh panu kaya kung hindi pinanganak si Ferdinand Marcos noong September  11, 1917 sa Ilocos Norte ?

Edi sana walang Martial Law , edi sana naging presidente si Ninoy Aquino, 
at hindi naging presidente si Cory Aquino, at malamang hindi rin presidente ngayon si  Noynoy Aquino . Pero si Kris Aquino sigurado ako sikat parin .

Tandaanan natin:
There is no “Ifs” in “History” pero English yun ehh.

Pero Laging tandaan na “MAY SAYSAY ANG KASAYSAYAN” .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento