Pagtulog no.1:
Kinagabihan, Pagod na pagod ako galing sa aking eskwelahan tanging pahinga na lang talaga ang gusto kong gawin, mahiga sa kama at matulog. Sa sobrang inis ng nanay ko sa ginawa ko, gigisingin pa ako at papagalitan pa ako. Eh halos wala na nga ako maintindihan sa mga sinasabi niya sa sobrang antok ko pero kailangan ko pa din siya pakinggan. Matutulog na lang pupuyatin ka pa sa galit ng nanay mo.
Pagtulog no.2:
Meron din sa pagtulog ko ay ang insomnia , halos wala nang tulugan eh. Putcha na sakit yan kulang na lang gawin kong umaga ang gabi para lang maging maayos ang buhay ko eh.
Pagtulog no.3:
Naranasan ko na din magising ng madaling-araw dahil sa walang hiyang bangungot na yon. Pawis na pawis pag gising, sobra ang kaba na nararamdaman pag gising at tila tulala pa. Pero pasalamat pa din at nagigising ako pag binabangungot ako. Kung pwede lang kaibiganin ko ang bangungot ko sa pagtulog eh.
Pagtulog no.4:
Sa pagtulog ko naranasan ko ang tinatawag na “wet dreams”. Yung piling na naiihi ka na hindi mo na kayang pigilan, grabe yung pakiramdam na yun nung bata pa ako. Sarap ka sa pagtulog mo pero pag gising mo banas na banas ka at hiyang hiya sa sarili dahil basa ang shorts mo at higaan mo.
Pagtulog no.5:
Meron din ang panaginip ko na nakakausap ko na yung hinahangaan kong babae. Na nakasama ko siya sa panaginip ko, masaya kami at tila hindi ako nahihiya makipag-usap sa kanya. Napakasaya nga naman kung ganun ang magiging panaginip mo na sana wag ka na magising pa. Ang nasa isip ko sana ayun na lang ang bangungot ko.
Pagtulog no.6:
Naranasan ko sa pagtulog ko na pinupulikat ako at nagigising ako. Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang sakit sa pulikat ko. Naiinis ako tuwing ganun na lang mararanasan ko sa pag tulog ko minsan inisiip ko wag na kaya ako matulog?. Mas maige pa ata iyon kaysa sa matulog ako at maranasan ang pulikat na iyon.
Pagtulog no.7:
Ang matulog ng natatakot ka, dahil sa mga napanuod mong nakakatakot na palabas at dadalhin mo hanggang pagtulog mo kaya ikaw ay natatakot din kahit tulog na. At ayun hanggang sa gusto mo na katabi ang magulang mo sa pagtulog mo para lang hindi ka matakot.
Pagtulog no.8:
At syempre ang pakiramdam na matulog ng maayos. Kay sarap sa pakiramdam nga naman lalo na kung pagod ka ata sobrang nanghihina ang katawan mo. Wag lang ang matulog ng tuloy-tuloy, yung tipong hindi ka na magigising pa ng umaga.” Haha!”.
Wow!!! Nice article! Good job!
TumugonBurahinGrabe talaga sobrang ganda ng POST na ito, paulit ulit kong binabasa ito sapagkat napakalaking impluwensya neto sa pagtulog ko
TumugonBurahinGrabe to! di ako makatulog dahil dito.
TumugonBurahinI love it. (slow clap)
TumugonBurahinGrabe, hindi ako makatulog
TumugonBurahinkaya siguro malaki Eye Bag mo
TumugonBurahinWag lang ang matulog ng tuloy-tuloy, yung tipong hindi ka na magigising pa ng umaga.” Haha!”.
TumugonBurahin- Ang Korni po ng joke na ito :)