Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

TulogPanaginip ni Ryan Jorell

Ang pagtulog ay masaya wala ka na ibang iisipin at  gagawin, puro pahinga pero sa pagtulog natin naguumpisa ang lahat ng mga bagay na hindi natin pwedeng gawin sa tunay na buhay. Mahalaga ang magtulog ng isang tao, nakakapagpahinga tayo ng walang inaalala lahat ng bagay pwede mo makalimutan pagmatutulog ka. masaya ako pag tulog wala na ko ibang iisipin o kung anu man ang dapat kong gawin sa kinabukasan pagkagising. Ang pagtulog ko ay nangangahulugang tapos na ko sa dapat gawin ko sa araw na to. Sa pagtulog lahat tayo ay pwedeng magkaroon ng panaginip masaya ang mga panaginip ko kahit na nakakatakot, masaya, malungkot o kakaiba tulad nalang ng panaginip ko na magugunaw na ang mundo pagkagising ko sabi ko sa sarili ko buti nalang panaginip lang yun ayoko pa matapos ang mundo may tao pa ko na kailangang mapaginipan yung mga taong pinakamahalaga sa buhay ko, yung mga mahal ko.. napaginipan ko na sila noon pero hindi ako kuntento bitin kung pwede lang eh sa panaginip nalang para palage ko siya nakakasama.
Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon sana panaginip nalang ang huling gagawin ko sa buhay ko bago matapos dahil dito pwede kong gawin lahat ng gusto ko.. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento