Mga Pahina

Sabado, Setyembre 3, 2011

Ang Kuweto Nina Romelo at Julieta Ni Mary Rocel Cabanlig

Isang gabi na malakas ang ulan, sa loob ng isang ospital pumasok si romelo sa silid-pampag-oopera, at nahiga sa kama na katabi ng kama ni Julieta, tapos tinurukan si Romelo ng doktor ng pampatulog. Habang natutulog siya napanaginipan niya ang magandang mukha ni Julieta at ang mga alaala niya nung magkasama silang dalawa ni Julieta. Naalala niya nung magtatapos na sila sa preschool may munting palabas sila. Ang palabas nila ay tungkol sa “Noah’s Ark” si Romelo ang gumanap bilang Noah, yung ibang kaklase niya ay hayop ang ginampanan o kaya asawa at anak ni Noah. Kabadong kabado si Romelo dahil sa kanya nakasalalay ang buong palabas at dahil din sa nanunuod ang mga magulang niya. Lahat ng mga gagamitin sa palabas at ang mga kaklase ni Romelo ay handa na, maliban kay Romelo (bilang Noah) sa play, dahil wala pa siyang dalawang ibon na papaliparin sa palabas. Kailangan na magsimula ang palabas, kaya sa huling parte ng palabas ang ginawa na lang ni Romelo (bilang Noah) nagpangap na lang siya na may dalang dala ibon habang sinasabi ang mga linya niya. Nagtaka ang guro, mga kaklase niya at ang mga manonood kung ano ba ang parang hawak-hawak niya na wala naman, yung isang kaklase naman niya na si Julieta naalala na niya kung ano nga ba dapat hawak ni Romelo na ibinilin sa kanya ng guro niya, nagisip siya ng paraan. Habang tinataas ni Romelo ang dalawang kamay niya ng tuwid para senyas na lalabas na ang mga kaklase (bilang hayop at yung iba bilang asawa at anak ni Noah) niya sa Arko, biglang pumito at pumalakpak ng dalawang beses na malakas si Julieta, para magtawag ng ibon, yan ang naisip niyang paraan kanina. Ang mga ilang ibon naman ay nagsiliparan naman mula sa itaas ng tanghalan at sa itaas ng mga manonood, sakto naman na may dumapo sa dalawang kamay na nakataas ni Romelo na ibon, medyo na gulat siya. Kaya naman lahat ng manonood ay nagpalakpakan, dahil sila ay namangha at natuwa sa munting palabas nila. Isa lang ang kilala ni Ronalo na marunong pumito sa klase, ito ay si Julieta. Pagkatapos ng palabas nila pumunta na sila sa likod ng tanghalan ang buong klase na nagtanghal. Lumapit kaagad si Romelo kay Julieta upang magpasalamat sa tulong na ginawa para sa kanya ngunit hindi siya pinansin, mahiyaing kasi si Julieta lalo na sa mga kakalase niyang lalaki. Kahit ganun si Julieta, gusto pa rin Romelo na maging kaibigan si Julieta.
            Nung elementryo na sila sinubukan ni Romelo na makipagkaibigan kay Julieta subalit hindi siya pinapansin nito, dahil sa mga babae lang siya nakikipagkaibigan. Baitang 2-4 ay hindi naging magkaklase si Romelo at si Julieta. Baitang 5 na ulit sila naging magkaklase, kaya masaya na ulit si Romelo. Nagkakataon naman na madalas silang nagiging magkagroupo, para sa mga proyekto ng mga asignaturanila dahil sa magkasunod ang apelyido nila sa albabetikang listhan ng klase nila. Dahil sa madalas na sila nagkakausap at magkasama naging magkaibigan na silang dalawa. Si Romelo ang unang lalaking naging kaibigan ni Julieta, dahil sobrang bait at maalaga ni Romelo kay Julieta. Karamihan ng kaklase nilang lalaki na gustong maging kaibigan sa Julieta ay naiinggit kay Romelo.
Hanggang nung bakasyo, madalas na si Romelo at Julieta magkasama pati yung mga iba pang mga kaibigan nila. Nung minsan sabay-sabay pumupunta ang mga kaibigan ni Romelo sa bahay niya kasama si Julieta, para naman mapakilala ni Romelo ang mga kaibigan niya sa nanay niya, na si Elisa, tapos pinakain ang mga kaibigan ni Romelo ng masarap na luto ng nanay niya. Nagkuwentuhan, nagkulitan at naglaro sina Romelo at ng mga kaibigan niya. Medyo pagabi na nang umuwi na ang mga kaibigan ni Romelo. Bago makatulog si Romelo naisip niya na ang saya-saya ng araw na iyon, at biglang may nagtext sa kanya, hindi niya inasahan na magtetext sa kanya sa Julieta.
Julieta: Thanks Romelo, nag-enjoy kami ng mga kaibigan mo sa bahay mo at sa masarap na luto ng nanay mo. =)
Romelo: Welcome! (Tila marami pang gusto itetext sana si Romelo ang kaso, ayaw naman niya na mapuyat sa Julieta.)
Magtatapos na mula sa elementaryo sila ni Romelo at Julieta lagi sila magkapartner sa laboratory project sa science at naging magpartner din sila sa sayaw nila sa edukasyong pangpisikal. Nang tumagal mas lumalim ang kagkakaibigan nila. Ang tawagan nila sa isa’t isa ay Romeo at Juliet at sa science laboratory ang lagi nilang tambayan. Ipinangako nila sa isa’t isa na walang sekreto, ang lahat ay sasabihin. Ang hindi alam ni Julieta nagkakagusto na si Romelo sa kanya.
Magkaiba ng eskuwelahan si Romelo at si Juliet sa hayskul, kasi hindi kaya ni Elisa na pag-aralin sa mas mamahaling eskuwelahan ang anak niya na si Romelo, kaya doon pa rin si Romelo sa kung saan siya nagtapos ng hayskul. Ang pamilya naman ni Julieta ay may kaya, kasi ang tatay niya ay sa ibang bansa nagtatrabaho, kaya inilipat siya sa mas magandang eskuwelahan. Sa telepono na lang nag-uusap si Romelo at si Julieta, mas madalas tumawag sa Julieta kay Romelo kasi nagpapatulong ito sa takdang aralin niya sa mga asignatura niya, pero wala na silang panahon para magkuwentuhan sa iba pang bagay. Masaya naman si Romelo kapag nakakausap niya sa Julieta sa telepono, kasi na mimiss na niya ang kanyang matalik na kaibigan niya. Nag-ipon si Romelo para parehas sila ng eskuwelahan na papasukan nila ni Julieta.
Nag-exam para matanggap at nag-enrol si Romelo at si Julieta sa iisang eskuwelahan, kasi ipinangako nila yun sa isa’t isa. Sa unang araw sa kolehiyo, nakita ni Romelo na may kasamang lalaki si Julieta nakasabay na naglalakad. Nilapitan ni Romelo silang dalawa, at biglang ipinakilala ni Julieta ang syota niya ang kasama niya, na kahit na parang pilit lang. Nalungkot at nasaktan ng sobra si Romelo kasi hindi man lang naikuwento ni Julieta sa kanya na may syota na siya at hindi na niya alam kung ipagtatapat pa niya yung nararamdaman niya para kay Julieta. Simula nung araw na iyo hindi na kinausap at iniiwasan na ni Romelo si Julieta. Si Julieta naman ay pinipilit niyang kausapin siya ng kanyang matalik na kaibigan, para maipaliwanag niya kung bakit siya may kasintahan. Hanggang nung nag-pangalawang taon na sila sa kolehiyo kinukulit pa rin ni Julieta sa Romelo, ngunit mailap talaga angkanyang matalik na kaibigan.
Nanibago na si Romelo nung tinatanan na siya ni Julieta nung mag-pangatlong taon na sila sa kolehiyo. Hindi niya na rin matiis si Julieta, kaya gumawa siya ng sulat para kay Julieta. At nailagay niya kaagad ito sa bag ni Julieta ng hindi alam ni Julieta. Nabasa ito ni Julieta pagkaayos niya ng gamit sa bahay niya.
“Best Friend,
            I miss you Juliet. Best sorry kung nagkakaganito ako, alam ko naguguluhan ka sa akin. May gusto sana akong sabihin sayo. Kung gusto mong malaman pumunta ka sa tambayan natin, Monday, 4pm. Ingat Juliet.
                                                Your Best Friend,
Romeo   “
Natuwa si Julieta sa nabasa niyang sulat mula sa kanyang matalik na kaibigan. Medyo napaaga si Julieta sa pagputa sa science laboratory, kung saan sila magkikita ni Romelo, dahil sabik siya na magkausap sila muli ng kaibigan niya. Si Romelo ay sobrang kabado sa ipagtatapat niya kay Julieta, kaya hindi kaagad siya nagpakita kay Julieta at sinisilip lang niya sa loob si Julieta sa may binta ng science lab. Habang ginugunita ni Julieta kung papaano sila naging matalik na kaibigan ni Romelo sa loob ng science lab na iyon, nakita niya na papasok sa Romelo sa science lab, biglang napangiti si Julieta at lumapit si Romelo at napayakap kay Julieta. Ang saya-saya nilang dalawa, sobrang namiss nila ang isa’t isa. Naupo sila nang magkatabi sa sahig, nakalimutan ni Romelo na may ipagtatapat siya kay Julieta, kasi agad-agad nagpaliwanag si Julieta kay Romelo na hindi talaga niya syota yung kasama niya nung unang araw sa kolehiyo, ipinilit lang ng tatay niya na gawing syota yung binatang iyon para mabawasan ang utang ng tatay niya dun sa tatay ng binata, dahil dun nakaluwag na ng hininga si Romelo. Tumayo si Romelo kaso aksidenteng naumpog siya sa isang kabinet at hulog yung paglalagyan na may kemikal sa may mata ni Julieta. Nagulat silang parehas, napaiyak si Julieta sa sakit at sa takot na baka hindi na siya makakita, tapos nawalan na ng malay si Julieta.
Nasa loob na ng kuwarto ng ospital na si Julieta kasama ang inay niya at ang tatay niya na galing  pa sa ibang bansa. Hindi ipinahalata ni Julieta na may malay na siya nung naririnig niya na nagmamakaawa ang nanay niya sa doktor na gawin ang lahat upang maibalik ang lang ang paningin ni Julieta at nawalan ulit ng malay si Julieta.
 Sumulat si Romelo ng liham para kay Julieta tapos pumunta siya sa ospital at dinalaw niya sa kuwarto si Julieta, tinignan niya sandali ang mukha na may takip sa mata na si Julieta at napaluha siya, lumapit siya kay Julieta at hinalikan ang noo ni Julieta. Lumabas siya ng kuwarto at inabot sa nanay ni Julieta ang liham na iibot kapag maayos na ang mga mata ni Julieta. Makalipas ang isang linggo maayos na ang paningin ni Julieta, tinanggal na ng doktor ang takep sa mata ni Julieta, tumingin kaagad si Julieta sa salamin at nakita niya ang mata niya ay pamilyar.
 Samantala tapos na ang opera ni Romelo sa mata at nagising na siya sa pangpatulog na itinurok sa kanya ng doktor. Naalala na ni Julieta kung kaninong mata ang nakikita niya sa salamin, ito ay mata ni Romelo, bigla na lang siya napaluha at hinanap kaagad si Romelo, pinigilan siya ng nanay niya at inabot ang liham mula kay Romelo. Binasa kaagad ni Julieta ang liham. Makikita sa liham na kumalat yung ibang tinta ng panulat dahil sa mga pumatak na huling iluluha sa mga mata ni Romelo. Gusto ni Romelo na masaya ang pagkakasulat niya sa liham para kay Julieta kasi gusto niya iparamdam na masaya siya na mapupunta ang mata niya sa minamahal niya.
Sa liham ni Romelo para kay Julieta:
“Juliet,
            Nagpapasalamat ako na naging Best Friend kita Juliet, thankful ako kay Lord na nagkaroon ako ng katulad mo Juliet. Ipangako mo sana sa akin, na gamitin mo yang mga mata ko sa magagandang bagay at maging masaya ka, kasi ang nais ko maligaya ka palagi. Mag-aral kang mabuti at pilitin mong abutin ang iyong mga pangarap.
I LOVE YOU JULIETA….
Your Loving Best Friend/Sight,
Romeo “

Kahit kailan hindi na nakita at nakasama ni Julieta si Romelo. Ipinangako ni Julieta na gagamitin niya sa tamang paraan ang mga mata ni Romelo, magiging matatatag siya at iingatan niya ang mga matang ito. Ang totoo minahal na din ni Julieta si Romelo, kaya lubos siyang nasaktan nung nawala sa kanya si Romelo.
TAPOS na…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento