Mga Pahina

Martes, Setyembre 6, 2011

"PANGARAP" ni Kimberly Cheth Diaz

             Sa panahon ngayon hindi naman masamang mangarap. Mangmang na lang ang magsasabing wala siyang pangarap sa buhay. Masarap mangarap kung kasabay nito ang pagtitiyagang marating ang tuktok ng tagumpay. Tulad ko, isang estudyante pangarap ko lang ay makapag tapos sa kolehiyo, makatulong sa aking pamilya ng masuklian man lang ang paghihirap nila nung ako’y pinagaaral, gusto ko rin yumaman at makatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa akin.
Pero sadyang karamihan sa atin, lalo na sa mahihirap. Hindi nila maabot ang kanilang pangarap. Wala silang sapat na kaalaman pano ba ito uumpisahan at mararating ang minimithing pangarap sa buhay. Napakasakit para sa kanila na tanggapin ang katotohanan na hanggang ganun na lang sila. Ano bang ginagawa  ng gobyerno? Wala silang sapat na aksyong ginagawa upang masolusyunan ang tinig at damdamin ng bawat tao. Marami sa kanila ang lumalangoy na sa pera panay ang kurakot sa kaban ng pera ng mamamayan. Yumayaman sila kasabay ng paghihirap ng bawat taong nasasakupan. Meron ngang mga mayayaman, mga nakakaangat sa estado ng buhay narating nila ang mithiin sa buhay ng panaghihirapan dugo’t pawis ang puhunan.
Ganyan talaga ang buhay minsan kaylangan mo na lang tanggapin ang katotohan. Pero sa kabila ng lahat hindi dapat tayo sumusuko. Nandyan lagi ang diyos upang gumabay sa atin. Hindi naman nawawala ang pangarap eh.  Isa ang itong gabay para makamit natin ang tuktok ng ating TAGUMPAY.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento