Mga Pahina

Sabado, Setyembre 3, 2011

PANAGINIP by Aaron John M. Concepcion

Isang gabi ng ako ay matutulog na ako ay napaisip ng aking magiging kinabukasan. Sa aking panaginip pinili kong pumasok ng PNPA o Philppine National Police Academy kontra man dito ang aking kasintahan ako ay tumuloy at inunawa niya naman ako. Sa aking unang taon sa PNPA ito ay naging mahirap dahil kumakapa pa ako sa ugali ng aking mga kasama. At lagi ko hinihintay mag Disyembre 10 dahil ito ang araw ng aming pag uwi sa mga aming pamilya kami ay binibigyan ng isang buong linggo isang araw sa buong linggong ito kami ay nagkikita ng aking kasintahan paulit-ulit ko lang to ginagawa sa loob ng apat na taon ko sa loob ng PNPA ng dumating ang panahon na kami ay magtatapos labis ang aking pagkatuwa dahil matatapos na ang aking paghihirap sa loob ng PNPA kami lahat ay nagtapos na dala-dala ang rango tenyente. Ako ay nadestino sa Quezon city naging kaibigan ko naman ang mga pulis dito makalipas ang isang taon ko sa panunungkulan niyaya ko ang aking kasintahan na magpakasal kinasal kami sa isang beach dahil ito ang kanyang hiling di naglaon biniyayaan kami ng dalawang anghel at pinangalanan namin itong Kian Xander at Keana Sandra lumipas ang ilang taon at kelangan na magaral ng aking mga anak nang una ay ayos pa dahil sagot ng gobyerno ang kanilang pag-aaral dahil nakasaad ito sa ating batas ngunit dahil sa kagustuhan ko mabigyan sila ng magandang edukasyon pinasok ko sila sa isang pribadong paaralan kala ko kaya ko puspusan ang mga gastusing ito isang araw ng dumating na ang listahan ng bayarin nagulat ako dahil wala akong ganun kalaking halaga sinubukan kong lumapit sa aking mga kapwa pulis ngunit wala rin silang napahiram tinuro nila sakin si major dahil matutulungan daw ako nito agad ako lumapit dito awa ng diyos natulungan niya ko sabi ko " major salamat po pero di ko po alam kung panu ko kayo mababayaran" sabi ni major " wag ka magalala hindi pera ang hihingin kong kapalit " hindi ako nagdalawang isip sa pag tanggap ng pera dahil alam kong mabuti siyang tao ngunit lingid sa aking kaalaman ang tinutukoy niya palang kapalit ay magiging proteksyon ako ng isang sindekato wala na akong magawa dahil natanggap ko na pera labag man sa loob ko ako ay natrabaho dito. Dumating sa punto na kelangan ko pumatay ng walang laban o tinatawag na salvage ng unang beses ko tong gawin isang buong gabi ako hindi nakatulog dahil kinokonsensya ko ngunit nasanay na din ako dahil kelangan to sa trabaho isang pagkakataon na ka  engkwentro kami ng isang malaking sindekato napatay namin ang pinuno nito nalaman ko na ang pinuno nito ay kapatid ng isang pinuno ng mas malaking sindekato dali-dali ko itong sinabi kay major dahil alam kong tutulungan niya ako nagkamali ako dito dahil wala siyang ginawa kinagabihan ng ako ay pauwi na hinarang ang aking sasakyan ako ay binaril isang tama malapit sa puso ako ay dali-daling sinugot sa hospital 50/50 na ang lagay ko ng nakarating ako dito dinala ako sa emergency room at sa labas naghihintay ang aking asawa dalawa kong anak aking ama at ina habang tinatanggal ang bala sa aking dibdib nananaginip ako na may isang liwanag at sa dulo nito ay isang paraiso lalapit na sana ko ngunit my nakita akong babae na may kargang bata minumukaan ko ang babae ng malapit na ko sa kanya naaninag ko ang mukha ng aking asawa at aming anak ang kanyang karga ito pala ang araw na pinanganak ng asawa ko ang aming panganay na anak na si kian xander bigla kong naalala na kelangan kong bumalik dahil hinihintay nila ko dali-dali akong pumunta sa kasalungat na daan at doon nakita ko ang aking pamilya sa labas naghihintay at umiiyak makalipas ang ilang oras natapos na ang operasyon tagumpay naman ito nang ako ay magaling na pinili kong talikuran ang aking pagkapulis bilang kabayaran sa aking mga kasalanan at simula noon ako ay nagtayo ng isang maliit na negosyo at dun na lang kami umaasa.....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento