Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

"Mahal ko siya kahit masakit na" by Anna Erika Ortega (true to life story)

Akala ko katapusan na nang relasyon natin.
Dahil nakatagpo ka na ng bago na mas higit sa akin.
Maganda,Mabait,Mahinhin.
at tawagin nalang natin siyang "BiFah".

June 16,2011 naghiwalay kami dahil sa iba't ibang klaseng problema.Nadoon na rin noong naglihim siya sa akin tungkol sa tunay niyang nararamdaman at ang selos ko sa barkada niya.

June 17,2011 pinalitan na niya password niya sa facebook.Kung kaya't napilitan akong buksan ang yahoo mail niya upang makakuha nang impormasyon.At BOOM! hindi nga mali ang kutob ko, liligawan na niya yung babaeng pilit niya tinatangging gusto niya.Ang bilis naman, paano na yung usapan natin?
   Kung kaya gumawa ako ng note sa facebook na alam kong ikagagalit niya at para lalo niya maramdaman yung sakit, ti-nag ko pa yung mga taong malapit sa kanya at mismong si BiFah.
   Ang sakit kasi, pinaniwala mo ako na hindi mo siya gusto, pero ganoon yata talaga.Kaya hanggang sa pinakikiusapan niya na akong buharin yoong notes na ginawa ko.Kaya napag-isip isip ko na humingi nang kapalit.At yoon ay ang puntahan niya ako sa bahay para sampalin siya para madama niya kung gaano niya ako sinaktan. Pero nang dumating siya,hindi ko rin nagawa.Kung kaya nagawa niya pa ako i-angkas sa bike at upang makapag-usap kami.At bago siya umuwi, tinupad ko muna ang sinabi ko sakanya, na bubuharin ko yung notes sa oras na dumating ka.Pero, hindi ko inasahan na, kasabay nang pagbura ko sa notes ay may relationship request mula sa kanya, tinanggap ko nang may pagdududa kasi alam ko may iba nang nag-papangiti sa kanya.At bago kami tuluyang maghiwalay, hindi na namin naiwasang umiyak ng todo, at sinabi niya sa akin na "hindi ko kayang mawala ka,nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan."kaya sinabi ko sa sarili ko na,"sisimulan ko ang sabado na masaya ako, at  hindi ko ipaparamdam sa kanya na nasasaktan ako."At habang nag-ka-klase, gumawa ako ng sulat para sa kanya, isang sulat na pinapalaya ko na siya at kahit mahirap pilit kong pinakita sa kanya na masaya na ako dahil yun ang gusto niya.Pero hindi ko lubusang naisip na, mas babalikan niya pa ako, pero gaya nang dati, hindi parin buo pagtitiwala ko sa akin na siya muli..
     At habang lumilipas ang araw,unti unti ko ng nalilimutan yung sakit na mula sa kahapon, pero bakit ganoon?sabi niya ako ang mahal niya at hindi  na niya gusto si BiFah, pero gumawa pa rin siya ng  bagay na alam niyang masasaktan ako.At paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako at handa siyang patunayan ito.Kaya heto ako, nagsisimula na naman na pagkatiwalaan siya.
     Pero bakit ganoon? habang pinagkakatiwalaan ko siya, mas tumitindi ang galit ko kay BiFah. Siguro dahil natatakot ako na mapalitan niya ako, na baka bukas siya na ang mahal niya at hindi ako.
     Pero sabi niya nga, tapos na yun.Kailangan na namin mag-move on sa masalimuot na nakaraan.at hindi ko na rin dapat pang pag-initan si BiFah kahit paulit ulit niya tong ina-add sa facebook.
     Sana sa pagbuo ng tiwala ko sakanya ay hindi na muling masira pa at matulungan namin ang isa't isa na kalimutan ang nakaraan, dahil MAHAL NA MAHAL KO SIYA KAHIT SOBRA NA AKONG NASASAKTAN. SIYA LANG PARA SA AKIN, WALA NANG IBA PA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento