Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 1, 2011

BATA! BATA! ni Michellyn Cazel Mangaoil



Hayy...Nakakamimis maging bata. Minsan naisip ko pwede ba maging bata 
nalang uli? ! Pwede kaso isip bata. Hmmm... Pag naaalala ko
yung mga ginagawa ko noon, natatawa ako sa sarili ko. HAHAHA! .. 
Magababahagi ako ng ilan mga karanasan ng isang bata na panigurado 
naranasan niyo rin. :))


"VIVA"
>> Naalala mo ba yung salita na yan? Hmm.. panigurado alam mo yan. 
Yan yung kapag naglalaro kayo ng mga kaibigan mo ng habulan tapos 
kapag nataya na lahat, uupo kayo at sasabihing "VIVA" hahahaha!...



"TABO"
>> Ito yung araw na kapag naliligo ka, gustong gusto mong magbabad sa
tubig tapos yung tabo lalagyan mo ng tubig tska ipapatong sa ulo tapos
kapag may kasabay ka ipapakita mo sa kanya at sasabihing "MAGIC" kasi
hindi natatapon yung tubig sa ulo mo. HAHAHAHA!..



"ZEST-O"
>> Naalala mo pa ba? Yung habang umiinom ka ng Zest-O tapos pag naubos na
sabay hihipan mo sa straw at sasabihing meron pang laman. Hahahaha!. 


" BANGKA"
>> Ito yung madalas na ginagawa mo sa papel tuwing umuulan lalo na
kapag nagbabaha. Pinapaagos mo sa baha tapos susundan mo hanggang 
sa malaglag ito sa kanal at sasabihing "wala na" . :))


"LANGIT LUPA"
>> Panigurado pamilyar ka sa larong ito. Sa pagkakatanda ko yan 
yung laro na dapat nasa mataas na lugar ka para hindi ka mataya.
May kanta pa nga yan para malaman kung sino ang taya. Sa pagkakatanda
ko ito yun ee.

" Langit, lupa, impyerno
Saksak puso, tulo ang dugo
Patay buhay umalis ka na
sa pwesto mo!"

hahahah!.. angsarap alalahanin


"LUTO-LUTUAN"
>> Isa ito sa mga paborito kong laro nung bata ako. Gustong gusto
ko pa nga dati ako yung nagtitinda kasi gusto ko ako yung nagluluto.
Tapos kunwari may kinakaen yung mga kalaro mo. Tapos kunwari din yun
bayad nila. HAHAHAHA!


"SISID"
>> Parte ng pagligo mo noong bata ka pa lalo na pag may kasabay ka.
Pupunuin niyo muna yung timba o di kaya batsya tapos aayain mo
yung kasama mo na patagalan kayo sa pagsisid. HAHAHA!.


"PASKO"
>> Pagsumasapit yung pasko nung bata pa tayo. Panigurado naniniwala kayo
kay Santa Claus nuh? kaya bago sumapit yung araw na iyon. Magsasabit
kayo ng medyas sa bintana tapos sasabihin mo yung gusto mo. Paggising
mo sa umaga makikita mo laman nung medyas ay pera tapos may mga tig pisong
tsokolate. :) 


" TIME FIRST "
>> Yan yung isisgaw mo kapag nakikipaglaro ka nang habulan tapos kapag hinihingal
ka na sasabhin mo yan para hindi ka mataya. :))


"NOISY, STANDING, BEHAVE"
>> Naalala ko noong bata ako, usong uso yan kapag pinapatawag sa opis ang teacher.
Tapos kapag ikaw yung inatasan ng guro mo na maglista. Tuwang tuwa ka pa
kasi hindi ka mapapagalitan kahit gawin mo lahat yan, kasi ikaw naman yung naglilista.:))


"Electric Fan"
>> Naalala ko noong bata ako. Pag wala akong magawa. Tumatapat ako sa elektripan
tapos sasabihing " AAaaaaahhhh!." nakakatuwa kasi nanginginig nginig pa yung boses 
mo.:))


"BUWAN"
>> Panigurado noong bata ka pa, akala mo sinusundan ka ng buwan nuh?
HAhahaha... Kung saan saan ka pa nga pumupunta kasi tinitingnan mo
kung sinusundan ka pa din nung buwan :))


"KANDILA"
>> Madalas mong mapaglalaruan ito noong bata ka pa kapag brownout.
Pinapadaan mo yung daliri mo sa apoy ng kandila tapos sasabihin mo
sa kapatid mo " Anggaleng noh! ikaw nga ." haahah.


Nakakatuwang isipin nuh? Na ganun pala ginagawa mo noong bata ka pa?.
Nakakalungkot lang hindi mo na siya magagawa at magsisilbing alaalang
karanasan nalang ito noong bata ka pa. :))





1 komento: