Mga Pahina

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

S.T.I (Selos, Tampo, Iyak) ni Nikki Anne Mariel Solano

Ikaw? Naranasan mo na ba na nagkaselosan kayo ng kasintahan mo? Siguro naman oo. Hindi naman ito maiiwasan eh. Darating at darating din ang panahong magkakaroon kayo ng selosan, tampuhan at iyakan.

SELOS. Ang number one na nakakasira at kalaban ng magkarelasyon.
Scene 1: May katext o kachat si boyfriend.
    Patay tayo dyan! Nagseselos si girlfriend. Aray! Hindi rin naman din kasi maiiwasan ni girlfriend ang magselos lalo na't babae ang katext o kachat ng boyfriend niya. Feeling ni girlfriend, ipagpapalit siya ng boyfriend niya kahit hindi naman.
Scene 2: Eh eto, paano naman kung kausap ni girlfriend si ex?
    Hala ka! Rambulan na! Naku. Nagselos si boyfriend panigurado. Akala siguro niya, gusto pa din ng girlfriend niya yung ex nito. Pero ang totoo, hindi niya na ito gusto at mahal. Feeling ni boyfriend, ipagpapalit siya ng girlfriend niya kahit hindi naman.

TAMPO
. Isang bagay, nagkakatampuhan na.
Scene 1
: Sabi ni boy kay girl, "Kita tayo ah. Sabay tayo pumunta." sagot naman ni girl, "Sure. Sige. :)" ang masaklap lang. Hindi nakasabay si girl ka boy.
    Haaay. Si girl naman. Talkshit! Sure sige pang nalalaman, hindi niya naman nasabayan. Ayan. Nagtampo na tuloy si boy. Talkshit kasi eh.
Scene 2
: Sabi ni boy kay girl, sasamahan niya si girl. Kaso hindi niya na nasamahan kasi nakalimutan ni boy yung usapan nila.
    Loner ni girl. Hindi nasamahan ni boy. Sabagay, makakalimutin eh. Pero nagtampo si girl kasi wala siya nakasama.

IYAK. Mangyayari kapag nasaktan.
Scene 1: Nag-aaway si boyfriend saka si girlfriend.
    Nagsosorry at umiiyak si girlfriend. Humihingi siya ng pagpapatawad ng boyfriend niya dahil gusto niya na magkaayos sila. Kung yung girlfriend ang may kasalanan. Pero kung si boyfriend ang may kasalanan. Siya naman din ang hihingi ng sorry.
Scene2: Hiwalayan o break-up.
    Isang salita ngunit masakit, napakasakit. Kung sasabihin ito ng kasintahan mo ay mapapaiyak ka talaga. Lalo na kung ayaw mong mawala at iwan ka ng mahal mo.

    Hindi maiiwasan ang magselos ng kasintahan mo dahil ayaw niyang mawala at maagaw ka ng iba. Ang tampo ay simpleng galit. Minsan ay nagpapalambing lang din yung mahal mo o may kasalanan ka din. Isang patak pa lang ng luha ay mahalaga dahil pinapakita nito na ayaw niyang mag-away kayo at lalong lalo na ay, maghiwalay.
    Tiwala, maayos na pag-uusap, respeto at pagmamahal. Mga importante sa pagmamahalan ng magkarelasyon. Maaayos din ang lahat. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento