Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Iba't ibang klaseng tsuper ng Pilipinas ni Ryan Macatuno



Dahil na enjoy ko ang pagbabasa ng "Mga Pasaherong Pinoy" ginawan ko naman ng bersyon ang tungkol sa iba't ibang klaseng tsuper sa Pilipinas....


BAGGAGE BOYS. Mga driver na sa pilahan pa lang ng jeep e masinop na. Pilit na sinisiksik ang mga pasahero at hindi umaandar ang sasakyan hanggang hindi nakakapagsakay ng 20 katao sa upuan na pang-16.
Bukambibig: "Kasya pa, dalawa pa yan, kabilaan!", "Syaman yan konting usod lang sa kaliwa/kanan!."




PACMAN. Baggage Boys na matakaw sa pasahero hanggang sa highway. Walang sinasantong "No Loading/Unloading" signs. Hinihintuan ang lahat ng tao na pwedeng isakay parang video game player na nag-iipon ng points at naghahangad ng bonus.
Bukambibig: "Sige, konting bilis lang ho at bawal bumaba dito."




FORMULA ONE. Mga kaskaserong piloto na nagpapalipad ng jeep. Di tulad ng Pacman, maraming pasaherong nilalagpasan ang Formula One. Para sila laging mauubusan ng lupa. Sa sobrang bilis magpatakbo, lahat ng pasahero e nakakapit nang mahigpit sa hawakang bakal.
Bukambibig: (Wala. Hindi nakakausap).




SCREWD DRIVER. Asiwa at mainit lagi ang ulo. Galit sa mga pedestrian, galit sa mga vendors, galit sa mga pasahero, galit sa mga pulis, galit sa mga kapwa driver, galit sa mundo. Sumisigaw, nagdadabog, at nagmumura bawat tatlumpong segundo.
Bukambibig: "!^@%#."




KUYA BODJIE. Ang tsuper na masayahin. Laging nakangiti at sumisipol. Malugod na bumabati sa lahat ng nakakasalubong sa daan. Perpekto na sana si Kuya Bodjie kung hindi lang s'ya madalas na sanhi ng heavy traffic.
Bukambibig: "Kamusta? Kamusta na ang pag-aaral ng mga bata? Susundan n'yo na ba ni mare si... ano nga ang pangalan ng bunso mo, pare? Ano na ang nangyare sa ina-aplayan mong trabaho sa Saudi?."




SI MANONG. Matandang driver na may matandang jeep. Yung tipong binubuo na lang ng kalawang ang sasakyan n'ya at pwedeng kakitaan ng mga itlog ng dinosaur. Madalas ring tumirik ang makina, at talo ang mga pabrika sa usok ng tambutso. Kadalasan naka-tune in si Manong sa AM radio at nakikipagpalitan ng kuro-kurong politikal sa katabing pasahero.
Bukambibig: "Lipat na lang kayo sa kabilang jeep, nasiraan tayo."




DON FACUNDO. May hihigit pa ba kay Manong? Oo, and matandang mahilig-si Don Facundo, and DOM na driver! Hitik sa green jokes.
Bukambibig: "Sakay na, sexy, iuuwi na kita! o " konting ipit para di mangamoy!."




DISC JOCKEY. Ang sound-tripper tsuper. Ultimo konsensya mo hindi mo maririnig sa sobrang lakas ng stereo n'ya. Lahat ng bagay sa loob ng sasakyan e kumakalabog at kumakalansing sa tugtog. Aakalain mo ring may on-going party sa loob ng jeep dahil sa dami ng kaibigan n'yang nakaangkas. Parang naki-hitch ka lang sa pribadong sasakyan.
Bukambibig: (Hindi mo maririnig sa sobrang ingay.)




THE SUPER PINOY DRIVER. Marunong sumunod sa batas trapiko. Magalang sa mga pasahero. Hindi nanlalamang sa mga kapwa driver. at ayos magpatakbo ng sasakyan. Isa lang ang problema, hindi pa s'ya ipinapanganak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento