Ang HighSchool Life ay isa sa mga pinakamasayang pangyayari sa aking buhay. Dito ko natutunan kung paano makisalamuha at makisama sa iba’t ibang tao. Dito mo mararanasan bumarkada, magsinungaling sa magulang makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girfriend, gabihin umuwi galing sa lakwatsa tapos idadahilan sa magulang gumawa ng project at manghingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O diba? Saya. Noong ako ay nasaHighSchool simula 1st-4th year ako ay pang umagang klase. Mahirap man gumising ng maaga kaso kaylangan talaga ayoko kasi sa lahat yung late. Eto ang aking kwento sa highschool...
Noong ako ay nag 1st year hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at saka nandoon pa yung kaba. Iisip isip bata pa ko noon hindi pa ganun ka matured yung ugali ko. Ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimula ng magkaroon ng “CRUSH”, kinikilig kilig pag nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung kala mo walang ng bukas sa sobrang tuwa! :”) Dati pa simpeng “Hi” niya lang saken jusko ang ngiti ko abot hanggang tainga. Masarap sa pakiramdam lalo na at isip bata pa ko yung oras na yun.
Punta naman tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya nung tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hanggang sa ako’y nagtapos at hanggang ngayon naman kaso bihira na kami nakakapag-usap at nagkikita kasi iba’t ibang paaralan na din kami napunta. Dito ko unang naranasan maglakwatsa kasama mga kaibigan ko, magswimming at umuwi minsan ng gabi pero mga ala sais ng gabi nasa bahay na ako. Dahilan ko lagi may project na ginagawa. :)
Ngayon naman ako ay nakatunton na ng 3rd year. Dito ay unti unti ng nag matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago nanaman lahat ng kaklase ko halos lahat wala akong kakilala. Hanap bagong kaibigan nanaman sa klase pero mas naging close ko yung mga lalaki sa amin, ewan ko kung bakit? Hahaha, ayoko sa mga kaklase kong babae nun kasi ang aarte. Pero may ilan sa babae naging kaibigan ko din.
YES sa wakas! Last step para maka graduate na ako sa highschool ang pagiging 4th year. Isa sa pinakamasayang taon bukod sa nag 2nd year ako. Dito halos lahat naging kaibigan ko. Madalas sinasabi nga ng mga faculty teacher ang section naming 1A ang pinaka maingay na section sa building floor A. Hahaha, kala mo kung magsikilos mga lower section eh noh. Pero sa kabila ng lahat ng pag iingay namin ay masipag kaming mag aral. Nandito na rin yung araw na malulungkot kami ng sobra, ang “GRADUATION DAY” :(. Iba't ibang kolehiyo kami mapupunta at bihira na ring mag kita-kita. :/ Pero ganun talaga eh, kaylangan tanggapin.
Welcome College Life! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento