Mga Pahina

Lunes, Setyembre 5, 2011

kaibigan na walang iwanan

Kaibigan, kapag kasama mo sila
Problema mo'y mawawala
Aanurin ni Bagyong Mina 
Kasama pa pati ng baha

Isang hirit,isang banat 
Mangangawit ang panga kakatawa
Maririnig ng kalawakan  
Ang mga makukulit niyong harutan

Ang dami ninyong pwedeng gawin
Magkwentuhan, magkulitan at magharutan
Wag mo lang pakakantahin 
Dahil sigurado sintunado yan
O wag magalit biro lang kaibigan

Hindi masaya mag-isa 
Dito sa mundong mapanghusga
Mga kaibigan ang karamay
Kung aapihin ka nila

Kung minsan may topak
Aawayin ka na lang bigla
Pero wala pang uwian
Bati na kayo niyan
Ganyan ang kaibigan
Madalas man may topak mahal kanaman


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento