Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 9, 2011

Dear IT6C,

Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ang dalas kong wala, kung minsan papasok at biglang mawawala.at kung minsan tuloy tuloy ang pagka wala o ang pagka liban sa klase.At marahil yung iba iniisip "NAGLALAKWATSA LANG YAN, NAHATAK NA NAMAN SIGURO" pero sana nga ganoon lang ang mga nangyayari sa akin.

Hindi ako handa magpakilala,Hindi ako handa para kaawaan ng iba,Hindi ako handa sagutin ang mga bawat katanungang magmumula sa inyo o sa iba pang tao,at hindi pa rin ako handa umiyak sa harap ninyo.

Kung kaya't dadaanin ko nalang dito ang aking paliwanag. Ito ay walang bahid ng anumang kasinungalingan.

Minsan na akong dumaing sa mga kaibigan ko, yung iba sinabi "naku, baka beke yan" at ang iba "baka ngalay lang yan." pero isa,dalawang araw na ang lumipas meron paring sakit na hindi ko maintindihan.Kung kaya't sinabihan na ako sa amin na "pagpasok mo wag mo kalimutang dumaan ng clinic baka kung ano na yan."Kung kaya bago ako pumasok sa klase, dumeretso na muna ako sa clinic, at ang sabi "MUSCLE PAIN LANG YAN" at binigyan ako ng alaxan fr. pero hindi parin nakuha sa gamot,kung kayat ang bawat sakit ay sumasabay sa bawat pintig ng aking mga pulso sa leeg. At muli akong bumalik sa clinic, pero andun na ung pagdududang "HINDI LANG TO MUSCLE PAIN" pero pinilit parin nila na "MUSCLE PAIN NGA LANG TO" at pinaoras sa akin ang pag inum ng alaxan fr. pero isang linggo na ang lumipas, eto parin ung sakit, at ang matindi pa rito NAMAGA NA ANG LEEG KO, at pati ang kabilang parte ng leeg ko SUMAKIT NA. Kaya pati pamilya ko sobra na nag-alala, sinubukan ko humingi ng REFERRAL LETTER sa clinic upang magamit ang benefit ko bilang estudyante ng ating eskwelahan, pero hindi nila ako binigyan, ang tanging binigay sa akin ay panibagong gamot at may binitiwang salita na"ANG BILIS NAMAN,SA LUNGS KASI YAN,PERO HINDI KA NAMAN KABILANG SA MAY BAD RESULTS" at "BAKA TB YAN". Sinabi ko sa amin yung sinabi ng doctor sa clinic pero hindi ko pinaniniwalaan na "MAY TB AKO SA BAGA"pero ilang araw na ang lumipas mas tumitindi ang sakit, halos hindi ko na magalaw ang leeg ko.at may ibang tao nagsabi baka "KANSER YAN" dyan ako sobra natakot.walang gabi na hindi ako nangangamba at napapaiyak kapag naiisip ko yan.
  Kaya napag-isip isip ng karelasyon ko ipatingin ako sa totoong doctor, at boom!
"hindi normal sa edad mo ang maraming kulani sa leeg, mag pa x-ray ka at biopsy, pwedeng TB SA KULANI yan o KANSER SA KULANI"
 "aww.. sobrang bigat sa pakiramdam..bakit ganoon?" ang sabi ko sa sarili ko.
PERO NEGATIVE NAMAN NAGING RESULT NG X-RAY,medyo nakahinga na ko ng maluwag pero meron pang isa at yun ay ang KANSER SA KULANI.. pero hindi ako pina-biopsy dahil naninindigan ang pamilya ko na baka wala lang to. kung kaya dinala ako sa iba pang doctor at ang sinabi.
"CLEAR NGA ANG LUNGS NIYA PERO MALAKI POSSIBILITY NA TB SA KULANI YAN, PERO TIGNAN NATIN AFTER 1 MONTH KAPAG HINDI NAKUHA SA GAMOT BIOPSY NA." at sabay tanong ni mama "NAKAKAHAWA HO BA YAN DOC?" at sinabi "HINDI NAKAKAHAWA YAN, ANG NAKAKAHAWA YUNG TB SA BAGA" pero hindi parin alam kung ano ito, kaya sobra parin ako nananalangin na sana hindi ito kanser.

  Sobrang bigat sa pakiramdam parang dati lang ang kutob sakin may diperensya puso ko  dahil lagi ako nahihirapan huminga lagi ako namumutla. tapos ngayon eto naman mas matindi pa, bakit ganoon? ganto na ba ako kapabaya sa sarili ko? Kung kaya ganto nararamdaman ko,kaya ganto napala ko?

 At ngayon, nabasa nyo na to, at marahil iba sa inyo alam kung sino ako, naway sana hindi na ninyo ibroadcast kung sinuman ako.

 Hindi ako umaarte,totoo ang lahat ng ito..
 kung makita niyo ako na hinahawakan ang parteng dibdib, yun ay dahil masakit ito at nahihirapan ako huminga.
 kung makita nyo man akong namumutla, yun ay dahil mababa ang dugo ko.
 kung makita nyo man akong hawak ang leeg ko, yun ay dahil sumasakit ito.

 ninanais ko lamang na paniwalaan niyo ako.
 kung naawa man kayo sa akin, favor wag nyo ipadama sa akin.

 sobra na kasi ung awang nararamdaman ko para sa sarili ko.
 ayoko na madagdagan pa.

 ... T.T ...

Huwebes, Setyembre 8, 2011

ILoveYou , Pwedeng Tayo na ? ni Nicole Vasquez



Inlove ka ba ? Sinabi mo na ba ito sa kanya o hindi pa ? Nagdadalawang isip dahil ayaw mareject ?? puwes ito ang mga pick-up lines na maaring magamit sa pagsuyo o hindi kaya ay maipahayag sa kanya ang nararamdaman. 

Girl: Ano kaya nasa dulo ng Universe, noh?
Boy: Di ko alam eh? Pero alam ko kung ano yung umpisa. :)
Girl: Ano?
Boy: U N I. at alam mo bang kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikw ang axis nito, para sa iyo lang iikot ang mundo ko.
ang cheesy , pati universe dinamay

Girl : hmp ! bakit kasi ang tankgad mo kesa sakin??
Boy : sus, mabuti nga yun eh.
Girl :bakit?
Boy : dahil lagi mong maririnig ang puso ko na tumitibok para lang sayo.
o dba? kilig si girl , kulang na lng tumambling siya .

Boy: Alam mo bang ulan ka at lupa naman ko?
Girl: Bakit?
Boy: Para kahit anong mangyari sa akin ang bagsak mo.
hehe, kalikasan ay idamay na din.

Boy: maglaro na tayo ng kahit na anung laro wag lang taguan.
Girl  Bakit?
Boy: Because a girl like you is impossible to find.


Boy: Sana facebook status ka na lang.
Girl  Bakit?
Boy: para pwede kita i-like
uso talaga facebok ngayon.

Boy:Para kang holpdaper.
Girl  Bakit?
Boy: Lahat ibibigay ko sayo, wag mo lang akong saktan.


Boy: Galing mo din no?
Girl  Bakit?
Boy: Di mo pa ko binabato, tinamaan na ko sayo .
Naks! Batuhan na yan .. ng damdamin cyempre :J

ilan lang ito sa mga “pick-up lines” na kung tatawagin na ngayon ay sikat sa lahat. Dinadaan sa ganito upang mipahayag ang mga nararamdan.

Kamawawes(Kalamares) ni Ryan Jorell Macatuno

Ang Kalamares....
isang masarap na street food ewan q ba kung baket marameng nahuhumaling sa sarap nito sobra, haha
kaya nga madalas eh naglalakad kme ng tropa(zhong, john, gel, gab, jeric, sav) makakain lang ng kalamares masaya kame pag nakakakain nun parang nawawala lahat ng problema sa kakakain kaya lang sa bandang huli pagbabayad naman ang problema, haha, dahil sa dami ng kinain malaki din ang babayaran, ang kalamares ay nagkakahalaga ng 3 piso sulit naman dahil masarap, hehe...

Ngaun madalang nalang kame nakakakain ng tropa siguro 3 beses sa isang linggo na ang pasok namen ay 4 na beses sa 1 linggo, hindi namen malimutan ang sarap kulang nalang magtinda nadin ng kanin ung tindero dun at kilala nya na rin kame, ngaun iniintay ko nalang na bigyan kame ng discount ni manong, hehe, suki naman kame at madalas na nakikita nya kame na kumakaen dun...

Masarap ang kalamares kung may pagkakataon lang gusto ko sana makasama namen kayo dun sa kamawawes para matikman nyo din ang ligaya nitong hatid, haha, sabi nga ng tropa "oh, pagkasawsaw alis na" dahil sa may nakapila sa likod mo para sumawsaw sa suka, sa ngayon eh madame kameng nahuhumaling dito sumama kayo samen minsan nang maranasan nyo ang pagkain na naghatid ng sarap samen.. :D

Exam Exam! ni Kateleen Alfonso

alam nyo ba , pag narinig na ng mga estudyante sa kanilang professor na exam na. natataranta na ang iba sakanila, lalo na ang mga sumusunod :

ABANGERS - sila ang mga tao na nagaantay lang ng tamang tiyempo upang makasilip at magtanong sa kaklase nila. mahilig silang yumuko at kunwari ay nagbabasa at nagsasagot ng kanilang papel.

TEXTERS - ang mga taong ito naman ay para din abangers. yun lang nga ang diskarte nila ay ang pag gamit ng cellphone kung saan inaantay nila  may mag GM o group message sakanila tapos pag naresib na nila ang message ,magpapaalam sila sa professor dahil kunwari ay may itetext sila na importante pero ang totoo babasahin lang ng nakaresib ang mga sagot na tinext sakanya.

KODIKOSKERS - eto ung mga taong matindi kung mandaya pag exam. sinusulat nila ang hindi lang ang mga  uri o mga kailangan i-enumerate , kundi kasama na ang mga meaning ng mga salitang kinuha nila.

PASA-PAPEL - eto ung mga taong simple lang ang diskarte lalo na kapag ang mga professor nila ay medjo matanda na. ang mga pasimuno ng ganetong paraan ay ang mga magbabarkada sa klase. meron sakanila na nagaral talaga, tapos inaantay nila na matapos ang kaibigan nila tapos ay ipapalagay lang sa papel at tapos ay ibabato o pasimpleng ipapasa sa katabi.


iba iba man ng paraan , isa lang ang patutunguan. ang MAKAPANGDAYA sa EXAM. 
kasali ka kaya sa mga estudyanteng gumagawa nyan? 

KALAMARES ni Gabriel Rafael Paraiso

Ohh grabe, pagkatapos ng klase, diretso agad sa gilid kalye na kung saan merong KALAMARES pare .

Kalamares ang nagging isa sa mga dahilan kung bakit nagging close at super bond kami ng Tropang IT-6C.

Biruin mo kasi pagkatapos ng OOPLA namin . Kahit badtrip kaming lahat dahil di namin nakuha at natapos ng maayos ang pinagawa ni Sir Richard na aming Prof sa OOPLA ay Kakain at kakain parin kami ng paburitong KALAMARES. Ewan ba namin at parang Chicks na nanghihila ang KALAMARES ni  Kuya Manong . Kahit ang sakit sa bulsa pagtapos naming kumaen. Wow naman ang kapalit at sabay inom ng Buko Juice na katabing bilihan ng Kalamares ni Kuya Manong .

Pagkatapos naming kumain ay diretso na agad sa Victory Mall. Palamig ng Onti at pagkatapos ay dun na magpapaalam ang mga Tropa . Ayaw man naming maghiwahiwalay pa pero nakakasawa ang mga pagmumukha nila . Magkikita-kita parin naman ehh. Pero kahit anung mangyari. Magiba-iba man kami ng maging estado ng buhay pagdating ng araw . Isa lang ang “THE BEST” na maalala naming lahat sa Tropa … yun ay ang KALAMARES .

Facebook



Isa ito sa mga patok na Gawain ng mga kabataan ngayon at kasama na din ang mga nakakatanda na gumagamit nito upang makipagkomunikasyon sa kanilang mga kamag-anak  na nasa mga malalayong lugar na hindi nila madalas nakikita o nakakausap manlang.
Ganon pa man ang mga gumawa ng social site na ito.  Ay nagbalak na lalo pang mapaganda o mapaunlad ang social site na ito.  Para sa mga tumatangkilik ng kanilang website. 
Kaya naman ginawa nila ang tinatawag nilang “video chatting”.  Oo maganda ito para sa mga katulad natin na gumagamit ng Facebook.  Subalit kung ang paggamit nito ay medyo kumplikado para sa mga hindi masyadong pamilyar sa paggamit ng computer.  Mahihirapan sila na gumamit nito.  Hindi ba??.  Lalo na ngayon na dumadalang na ang paggamit social site sa kadahilanang na nahihirapan mag-adopt ng bagong features nito.

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

THE CORE BY AARON CONCEPCION

ang po ay magsasalaysay ng isang pelikula na maaaring magkatotoo ito po ay pinamagatang the core kung san sa taong 2056 ang buong ay makakaranas ng sobrang init dahil dito lumalabas ang mga sakit sa balat na walang lunas kaya my isang grupo ng scientist ang nagaral para sa mga lunas ngunit wala silang nakitang lunas kaya nais nila na bakit hindi ang sahi ang kanilang pigilan pinagaralan nila mabuti kung anu ang nasa loob ng mundo dahil sa malalim ito sila ay gumawa ng isang sasakyan na nakapaghuhukay sa pinakamatigas na bato dahil mainit sa loob ng mundo sila ay gumamit ng pinakamatibay na proteksyon ginamit nila ang kevlar sa kanilang suot nagpatuloy sa kanilang misyon habang nilalakbay nila sila ay nadaan sa malalaking kristal hindi na nila papansinin ito ngunit isa sa mga ito ay humarang sa kanilang daan bumaba ang 2 upang tanggalin ito natangal naman nila ito ng maayos nang babalik na sila sa sasakyan nila my tumulong magma sa katawan ng isa kaya namatay siya pinagpatuloy nila ang kanilang misyon muli nadaan sila sa isang lugar na puro diamante at mamahaling kristal dahil sa kasakiman 2 sa kanila ang nagpaiwan namatay din ang mga ito dahil sa mainit dito 3 na lng silang natira at hindi padin sila nakakapunta sa kanilang pakay angdulo ng kanilang sasakyan ay natunaw na at unti unti nang numinipis ang hangin dahil dito isa ang namantay 2 na lang sila isang babae at isang lalaki nakita na nila ang kanilang pakay agad nila nilagay ang gamit na magpapalamig dito kala nila gumana na ito ngunit biglang uminit kaya nasabi nilang hindi epektibo nais ng lalaki na sasakripisyo na nya ang buhay niya gagamitin niya ang sasakyan upang butasin ito nilagay niya ang babae sa isang container na ibabailk siya sa ibabaw ng mundo tinuloy nila ito nagawa ng lalaki ang misyon namatay din ang babae dahil natabunan na ang kanyang daanan palabas kaya walang nakaligtas sa misyon na ito ngunit nagawa nilang iligtas ang mundo...


ang kevlar po pala ay isa sa pinakamatigas naepektibong pananga ito ay kadalasang ginagamit sa pag gawa ng bullet proof armor

Bakit Tayo Pilipino? Ni Salvador Estidola Jr.

Maraming dahilan ng pagka Pilipino natin, nandiyan ang paulit-ulit tayo sa mga bagay na hindi natin natutunan itama. Mga bagay na sasabihin mo at tatanungin ka pa. Hay, Pilipino nga naman sobrang kulit. Pilipino ka din ba? Baka tulad ka din namin. Maraming naging senaryo akong naranasan tungkol sa mga ganitong gawain.  


Pilipino no.1: Mga Pilipinong drayber ng jip at konduktor ng bus. “Manong sa tabi na lang po” Sabi ng drayber ng jip o konduktor, “ Dito na lang?” Putcha! Mapapasagot ka talaga ng “Hindi Ho! Dun pa sa malayo!”. Pilipino nga naman di ba?. 


Pilipino no.2: Mga Pilipinong estudyante na tinatanong ng guro. Guro: “Anong pangalan mo?” sagot ng estudyante, “name ko po?” Tang-inis talaga! Sagot ng Guro, “Hindi! Yung pangalan ko!”. May pagka Pilipino talaga eh. 


Pilipino no.3: Mga Pilipinong bibili ng gamot sa tindera ng pharmacy. Pilipino:“Pabili nga ho.” sagot ng tindera “Ano pong bibilhin?” Bwisit!! “Bibili Ako ng Isda!! Yung Tilapia!” Hay nako. May pagka-Pilipino nga naman eh. 


Pilipino no.4: Patawid ng kalsada at ang senyas ng trapik enforcer. Sumenyas na ang trapik enforcer na tatawid na., Sumenyas din ang Pilipino, at tinanong “tatawid na?” Kainis!! Kulang nalang sabihin ng trapik enforcer “Hindi! Magpapasagasa na!”. haha!


Pilipino no.5: Bibili ng damit nagsusukat at kausap ang saleslady. Pilipinong bibili ng damit,”Miss sakto lang ba yung sukat ng damit na ito?” saleslady, “Ahm, para kanino po?” Ano ba yun!! “Hindi miss! Para sayo talaga! Sinusukatan kita! Para sayo!” Nakakatuwa talaga mga Pilipino di ba?  


Pilipino no.6: Boss ng kompanya at ang empleyado. Boss, “Paki-bigyan naman ako ng kopya nito importante na kasi.” Empleyado, “Ah sir, ngayon na po ba?” Boss,”Ay Hindi! Mamaya pa! Bukas pa! Sa isang Linggo pa! Sa sunod na buwan pa! hindi naman kasi importante yan eh!” Haha! Kung ikaw ba naman ang Boss maiinis ka eh di ba.  


Oh di ba? Nakakatuwa talaga tayong mga Pilipino eh. Minsan naiisip ko na kakaiba talaga tayo eh, Mga tao tayong masasaya kasama lalo na sa kalokohan. Lahat ng meron sa atin ay regalo para sa ating mga sarili gamitin natin ng maayos. Haha!

Sa Wakas Magtatapos na din Ako Ni Salvador Estidola Jr.

Ako si Zhom,  isa akong positibong bading. Ulila na ako tanging lola ko na lang ang kasama ko sa buhay. Isa ako sa magtatapos ngayong buwan ng May sa kursong  I.T. Mahirap lang kami ng lola ko iskolar lang kasi ako ng University of the East kaya ako nakakapag-aral. Malayo ang tirahan ko dahilan sa kahit pa malayo ang pag-aaralan ko, gusto ko makatapos sa mataas na eskwelahan.  Marami akong naging problema bago ko malapit nang makamit ang makatapos, nandyan ang hindi ako makapasok dahilan sa wala akong pamasahe pagpasok. Pero sa tingin ko sa isip ko malapit na ang tagumpay ko.
Hindi pa alam ng lola ko ang nalalapit kong pagtatapos kaya naman ililihim ko muna sa kanya ito, hanggang sa araw nang aking pagtatapos. Ninais ko na gumawa na lang ng sulat ka kanya para malaman niya ang aking pagatatapos. Pagkalipas ng mga araw at isang dalawang araw na lang at pagtatapos ko na. Itong araw na to ay ilalaan ko para sa aking pag-aayos ng damit toga at iba pa. Handa na rin ang aking sulat para sa lola ko. Masayang-masaya ako sa lahat ng ito, Sa lahat ng pagsisikap ko ito na din ang magiging sukli para sa lahat ng paghihirap ko.
Medyo kinagabihan na at naghahanap pa din ako ng maayos na damit sa Divisoria. Sumakay ako ng jip at tila tanging ako lang ang laman nung jip. Sobrang pagod ako kakalakad at kakaikot sa Divisoria mura kasi mga bilihin. Nang biglang may sumakay na tatlong lalaki at tinabihan ako. Tinignan ko sila bakit ang luwag ng jip at nakatabi sila sa akin. Tumingin ako sa drayber, ang sama ng tingin sa akin at sabi niya hindi na daw ako makakababa. Kinabahan ako at walang nagawa kundi ibigay na lang lahat ng kung anong meron ako. Madilim ang paligid ng labas ng jip at huminto na din. Takot na takot ako walang akong magawa kundi ang umupo at tumahimik. Pinaglaruan pa nila ako at kung anu-anong pinag-uutos sa akin, pinagapang ako sa loob ng jip. Umiyak na ako isip-isip na isang araw na lang at magtatapos na ako at isip-isip ang lola ko na umaasa sa akin. Walang awa na sinaksak ako sa tagiliran at pinabayaan.
Dumating ang tagapa-balita ng eskwelahan ko sa lola ko. Dala-dala ang sulat ko para sa kanya.


Lola ko,
May maganda po akong balita sa inyo!, Malapit na po ang pagtatapos ko ng kolehiyo. Masayang-masaya po akong ikwento sa inyo ito. Inilihim ko po muna sa inyo upang ma-supresa ko kayo alam ko habang binabasa niyo ito ay naiiyak na kayo at natutuwa para sa akin. Kayo po ang inspirasyon ko upang pagbutihin ang pag-aaral ko, sa inyo ko lang po nilalaan ang lahat ng paghihirap ko. Sa panahong iniwan ako ng mga magulang ko kayo ang naging sandalan ko para maging isang mabuting tao. Maraming salamat po  sa inyo. Gusto ko po na pumunta kayo sa araw ng aking pagtatapos. Kayo lang ang natitira kong pamilya at kayo lang rin ang naging matyagang alagaan ko. Sabay tayo pupunta ng eskwelahan at haharapin ang pagtatapos ko. Maraming salamat lola.
                                               Nagmamahal Zhom,

Binalita ng eskwelahan ko ang nangyari sa akin. Narito ako ngayon sa ospital. Nahirapan sa mga saksak na ginawa sa akin pero salamat sa Diyos at ako ay nabuhay. Iyak ng iyak ang lola ko nang pumunta sa ospital na naroroon ako. Galit na galit sa mga taong gumawa sa akin nito. Pero sabi ko ok na yun basta nabuhay ako. Niyakap niya ako.
Dumating na ang araw ng pagtatapos ko, hindi ako makakapunta kaya’t lola ko na lang ang naging representante ng nakuha kong SumaCumlaude. Kinuwento skn ng lola ko ang tagumpay ko sa matagumpay na pagtatapos ko. Sinabi niya ang lahat ng naging paghihirap ko at ang naging pangalawang buhay ko. Masaya ang lola ko at may tindig na sinabi “sa wakas naging matagumpay din ang apo ko”.

Sa Pagtulog Ko Ni Salvador Estidola Jr.

Maraming bagay na nararanasan sa pagtulog natin gabi-gabi. May nakakatuwa, nakakatakot , nakakainis at meron din hindi nakakatulog dahil sa maraming bagay na iniisip.  Halo-halo ang nararanasan ko pag natutulog ako


Pagtulog no.1:
Kinagabihan,  Pagod na pagod ako galing sa aking eskwelahan tanging pahinga na lang talaga ang gusto kong gawin, mahiga sa kama at matulog. Sa sobrang inis ng nanay ko sa ginawa ko, gigisingin pa ako at papagalitan pa ako. Eh halos wala na nga ako maintindihan sa mga sinasabi niya sa sobrang antok ko pero kailangan ko pa din siya pakinggan. Matutulog na lang pupuyatin ka pa sa galit ng nanay mo.
Pagtulog no.2:
Meron din sa pagtulog ko ay ang insomnia , halos wala nang tulugan eh. Putcha na sakit yan kulang na lang gawin kong umaga ang gabi para lang maging maayos ang buhay ko eh.
Pagtulog no.3:
Naranasan ko na din magising ng madaling-araw dahil sa walang hiyang bangungot na yon. Pawis na pawis pag gising, sobra ang kaba na nararamdaman pag gising at tila tulala pa. Pero pasalamat pa  din at nagigising ako pag binabangungot ako. Kung pwede lang kaibiganin ko ang bangungot ko sa pagtulog eh.
Pagtulog no.4:
Sa pagtulog ko naranasan ko ang tinatawag na “wet dreams”. Yung piling na naiihi ka na hindi mo na kayang pigilan, grabe yung pakiramdam na yun nung bata pa ako. Sarap ka sa pagtulog mo pero pag gising mo banas na banas ka at hiyang hiya sa sarili dahil basa ang shorts mo at higaan mo.
Pagtulog no.5:
Meron din ang panaginip ko na nakakausap ko na yung hinahangaan kong babae. Na nakasama ko siya sa panaginip ko, masaya kami at tila hindi ako nahihiya makipag-usap sa kanya. Napakasaya nga naman kung ganun ang magiging panaginip mo na sana wag ka na magising pa. Ang nasa isip ko sana ayun na lang ang bangungot ko.

Pagtulog no.6:
Naranasan ko sa pagtulog ko na pinupulikat ako at nagigising ako. Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang sakit sa pulikat ko. Naiinis ako tuwing ganun na lang mararanasan ko sa pag tulog ko minsan inisiip ko wag na kaya ako matulog?. Mas maige pa ata iyon kaysa sa matulog ako at maranasan ang pulikat na iyon.
Pagtulog no.7:
Ang matulog ng natatakot ka, dahil sa mga napanuod mong nakakatakot na palabas at dadalhin mo hanggang pagtulog mo kaya ikaw ay natatakot din kahit tulog na. At ayun hanggang sa gusto mo na katabi ang magulang mo sa pagtulog mo para lang hindi ka matakot.
Pagtulog no.8:
At syempre ang pakiramdam na matulog ng maayos. Kay sarap sa pakiramdam nga naman lalo na kung pagod ka ata sobrang nanghihina ang katawan mo. Wag lang ang matulog ng tuloy-tuloy, yung tipong hindi ka na magigising pa ng umaga.” Haha!”.

Tropang 6C ni Lee, Jonathan



Sa Kalayulayuan,Kasuluksulukan,Kalakilakihan ng University of the East of Caloocan nag-aaral
Ang grupo ng mga gwapong kalalakihan na tinatawag nilang Tropang 6C. May iba’t ibang ugali, iba’t ibang hilig gawin at iba’t ibang pananaw sa buhay pero hindi ito nagging hadlang para gawing malungkot at hindi magsama. Ito pa nga ang naging hudyat ng kanilang kasiyahan.

Arwin  - Matangkad na dambuhala kaya tinatawag na “Tangkad” ng Tropa ngunit mabait naman. May pagkatamad pumasok sa unang klase ang kanyang dahilan nalalate gumising. Libangan niya ang paglalaro ng basketball

Ranjie -  simple lang siya minsan tahimik minsan naman masyadong makulit.. mahilig uminom ng kape at gatas pero wag natin kalimutan sa lahat na cute siya sbi ng iba..



Ryan - Mr.Quantum Boy! :)) ng tropa ang tawag sa kanya minsan bear ni sylla. pero biruan lang naman namin yun masarap siya katropa lalo na sa toma panigurado sampung bote ay kulang pa.asahan mo nandyan sa palagi at hindi ka iiwan.


Cloud – eto etong lalaking to matino na mahilig uminom, magparty at gumala. Madalas mo siya makikita na kasama si beth. Mahilig kumanta’t sumayaw mabait at matalino pero may pagkasiraulo rin minsan.

Gelo -  tahimik sige lang ng sige walang inuurungan basta inuman. Laging nandyan pwede mong maasahan wag mo nga lang uutangan. Kasi para sa kanya “Hindi Bale ng KJ basta makapagtipid” medyo malakas rin mantrip pero nasa lugar naman

John – “Chickboy” ng tropa crush daw ng karamihan pero laging naloloko ng kababaihan. Marunong makisama, mabait lagi mong maasahan may pagkamakulet kadalasan. Ang hilig gawin ay uminom walang ng iba kung hindi uminom. Haha

Sav – isa pang dambuhala sa tropa pano ba naman tayo niya pa lang manliliit ka na. Mabait at meron paninindigan minsan makulit. Minsan nga lang ba talaga? Kadalasan Siraulo tahimik lang siya ngunit nagiging maingay pag kasama ang tropa.

Kenneth – Mabait na katropa laging nandyan hindi ka iiwan. May pagkamkulet lalo na sa asaran pero kahit ganoon masaya kasama. Libangan niya manligaw ng babae. Hindi biro lang yun baka my magalit mahilig siyang maglaro ng basketball.

Jeric – Ang pinakapogi sa lahat ng tropa walang sinumang babae ang umayaw sa kanya. Medyo barumbado pero masaya kasama mabait naman siya lalo na kapag naging katropa asahan mo lagi kayo nagdodota. Sa ngayon nanahimik na sa klase pano ba naman kasi ang sipag pumasok kaya ngayon nagpapakatino na siya.

Rheynor – Simple lang siyang tao ang kanyang tanging layunin ay makapagtapos ng pag-aaral. Mabait at lagi mong maasahan. Hilig niya ang paglalaro ng basketball,dota at iba pang nakapagpapasaya sa kanya lalo na ang pagbabasa sa tropa pag nasa kubeta.

Gab – “Boy Next Door” ng tropa mabait at tahimik pero pagkasama niya ang kaibigan niya asahan mo yari ka! Mahilig siya sumali sa asaran at magbiro. Hilig niyang magsoundtrip,maglaro ng basketball at ang higit sa lahat ang kumain ng Kalamares!!!

Aaron – isang palabiro na kaibigan mahilig mantrip sa kanyang mga kaklase asahan mo pag nandyan siya hindi nawawala ang asaran lalo na ang kaingayan. Libangan niya ang paglalaro ng poker kahit abutin na siya ng umaga makapglaro lang ay ayos na sa kanya.

Nino – hindi mo makikita na humahaba ang buhok niya masaya kasama lalo na sa inuman panigurado enjoy ka. Gwapo daw sa kanyang pagkakasabi kayo nalang tumingin kung totoo haha.

Lexbert – Matangkad na laging nagpapatawa pagkasama mo siya hindi mawawala ang pagkakwela. Makulet kasama pero laging masaya ang tropa. Higit sa lahat siya ang pinakamagaling sa subject na programming sa tropa kaya kung kayo ay nahihirapan tayo na po at samahan niyo kami mangopya. J

AJ – Masarap kasama sa una hindi mo aakalain na madaldal pala siya asahan mo pag andiyan siya magkukulitan kayo. Mahilig magbiro lalo na kung masaya ang mga tao sa paligid niya.

At ang pinakahulit sa lahat siyempre ako. J

Zhong – simple lang na tao kung san ka masaya nandyan ako. Lagi mong maasahan lalo na sa asaran at kulitan at higit sa lahat sa tomahan. Mabait na katropa at marunong makisama asahan mo pag kasama ko ang katropa ko maingay ako lalo na kung ito’y tungkol sa kasiyahan. May pagkabulol sa R at medyo maliit. Mahilig gumamit ng kompyuter asahan mo paggamit mo nakaonline ako, Hilig rin kumain at matulog pero hindi ito naging hadlang para hindi ako magaral. Hanggang dito nalang ang kasiyahan ito kaya kung gusto mo pa kami makilala halika na at sumali na sa tropa.

BE ONE OF US! J




Halatang Pinoy ka Kung?:) ni Nicole Vasquez


“Mga kababayan ko
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay pilipino
Kung may itim or may puti
Mayron naman kayumangi
Isipin mo na kaya mong
Abutin ang yung minimithi

Ang sabi nga ni Francis M sa kanta niyang “Mga Kababayan”. Ngunit hindi lang dahil sa kayumangging balat kilala ang mga pinoy. ang mga sumusunod ay mga palatandaan na isa kang pinoy.

Kinakain mo sa almusal ay mainit na kape at bagong lutong pandesal, minsan pa nga ay 
isinasawsaw mo ang pandesal sa kape.

Nakakain ka na ng penoy at balut.

Bumibili ka ng Kakanin o hindi kaya naman ay Taho tuwing simbang gabi.

Handaan sa Fiesta ay lechon.

Bumibili ka ng fishball, kalamares, isaw, scramble at iba pang tinda sa daan.

Nung bata ka pa ay pinapapak mo ang sachet ng Milo.

Sabik ka sa Snow.

Tawag mo sa Junk Food ay “Tsitserya”.

Alam mu ang BrickGame at Tamagotchi.

Kumakain ng tuyo, hindi naman kaya ay puto na kapares ay dinuguan.

Kapag may tinuturo ka ay nguso ang gamit mo.

Kapag dadaan sa mga naguusaap ay ang mga kamay mu ay magpraying position at sabihin mong “Padaan po”

Nagsasabi ka ng “Po” at “Opo” bilang paggalang.

Nung bata ka kapag nasa mall ka naglalaro ka ng hindi lalagpas ang paa mo sa guhit ng tiles.

Ang pangalan mo ay pingahalong pangalan ng papa at mama mo, Ang unang letra ng pangalan 
ninyong magkakapatid ay pareparehas, at ang Nickname mo ay inulit lang, halimbawa, Len-len, Ton-ton.

Alam mo ang larong Batohan bola, patintero at sipa.

Nung bata ka pa ay naliligo ka sa batiya.

Nung bata ka pa ay nagkaroling kayo sa isang bahay tapos” piso lang ang ibinigay at imbes na “Thank you, Thank you ang babait ninyo” ang kantahin, “Thank You, Thank You ang babarat ninyo” ang kakantahin at sabay sabay na tatakbo dahil pinakawalan nila ang aso.

Ginagawa mong salamin ang bintana ng kotse o Makita mong pwedeng pagsalaminan.

Tinatawanan mo ang iyong mga problema.

Pinapalaman mo ang Ice Cream sa Tinapay.


Aapakan mo ang bagong sapatos ng kaibigan mo at sasabihing "Binyagan na yan ! " minsan pa nga kakantahin mo pa. 


Mahilig mangalok ng pagkain.

Kumakain ng nakakamay.

Ang pagbati mo ay pagtaas-baba ng kilay mo o di kaya ay ulo.


at huli,  Halatang Pilipino ka kung ang ilong mo ay pango !HAHAHA J

CHOKOLATE by Kenneth Dela Cruz

Isang araw nangako ung lalaki sa isang babae na bibigyan niya ito ng CHOKOLATE pero ilang linggo na nakalipas
hindi  pa rin niya naibibigay hanggang ngaun dahil lagi niya itong nakakalimutan galit na galit siya sa sarili niya kasi
nangangako hindi naman tinutupad pero balang araw maibibigay niya din ito sa kanya. Siguro nagiipon lang ng lakas ng loob kasi hindi niya lang kagad bibigay ito kasi may sasabihin pa itong lalaki e hindi masabi sabi kasi nahihiya siyang sabihin tapos nagtanung un babae 'anu yun' ang sabi naman ng lalaki 'ayy wala un wag mo nln isipin'. Nang makauwi na tong lalaki tinxt niya un babae at sinabi na ung dapat sasabihin niya 'Kasi gusto kita nahihiya lang ako sabihin na harapan'.

Move-On! ni Arlene Alim

Sabi nga nila. Friends can be Lovers but Lovers can't be Friends.

      Ang pinakamahirap at pinakamasakit na parte sa buhay ng isang tao ang mag-move on. Lalo na kapag sobra mong minahal ito. Minsan kapag nasa stage ka ng pag-momove on, yung ex mo andyan pa din pilit sinasabi na maging magkaibigan kayo pero hindi naman kasi ganun kadali yun eh, tapos minsan nakakakita ka pa ng bagay na nakakapagpaalala sa inyo ng ex mo. Mas lalong hindi mo siya kagad makakalimutan. Napakahirap :|

Eto ang mga tips para ikaw ay madaling makapag-move on.

Putulin mo ang anumang komunikasyon ang meron kayo.
 

Dahil kapag lagi kayong nakakapagtext, facebook, nagkikita o kung ano pa man. Malabo talagang makalimutan mo siya o ang nararamdaman mo sa kanya. At may pagkakataon pa na pwede uling mapalapit ang loob mo sa kanya.

Maghanap ng ibang mapagkakalibangan. Maging busy. Magliwaliw.

Sa pagpunta sa Bars, Malls, o paggawa ng iba’t ibang activities tiyak wapakels ka kay Ex. Syempre, magiging abala ka, hindi mo siya masyadong maiisip.

Makisalumuha sa ibang tao, sa iyong pamilya o sa kaibigan.

Aminin, nung ikaw ay may boyfriend/girlfriend pa ang ibang taong nagmamahal sayo ay hindi mo na masyado napagtutuunan ng pansin, puro lang si boyfriend or si girlfriend. Pero ngayon subukan mong makipagbonding sa kanila, sabihin mo ang iyong saloobin tiyak matutulungan ka nila.

Magpaganda/Magpapogi

Wag mong ipakita na depressed ka, mag-ayos ka. Malay mo may pumalit sa kanya. Hahaha!

Magdasal ka

Ito ang pinakamabisang paraan para ikaw ay makapag-move on. Magdasal ka lang tiyak tutulungan ka ng Diyos.

----
Wag mong ipakita na Bitter ka. Cheer Up Bro! Hindi lang 'sya ang tao sa mundo, madami pang iba. :)

mga QUOTES na Nakakarelate... ni JESSA JEL FABELLA

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."



Wag Sabihan Ng Pick Up Lines Ang Pilosopo, Nakakasama ni Nikki Anne Mariel Solano

1) Boy: May kakambal ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi you're in my heart yet you're in my mind.
Girl: Ah ou. May kakambal ako.
--- Ay may kakambal pala siya. Yung isa sa isip. Yung isa sa puso. Para hindi agawan. Hating kapatid pa.
2) Boy: Ayoko na sa sarili ko.
Girl: Bakit naman?
Boy: Gusto mo sayo na lang ako?
Girl: Wag na. Ayoko din sayo eh.
--- Wag kasi ipamigay sarili. Ayaw mo sa sarili mo. Ayaw niya din sayo. Walang may gusto sayo. Kawawa ka naman. Ano ka? Loner?
3) Boy: Maghanda ka na ng salbabida.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi lulunurin kita sa pagmamahal ko.
Girl: Ah. No need. Marunong ako lumangoy.
--- Paano nga ba lulunurin ang marunong lumangoy?
4) Boy: Bagyo ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi the moment you left my area of responsibility, you leave my heart the area of responsibility.
Girl: Eh ikaw? Bagyo ka ba?
Boy: Bakit?
Girl: Kasi para kang bagyo. Nasalanta buhay ko simula nung dumating ka.
--- Siguro nung dumating si boy, nagsanib pwersa ang lakas ng hagupit nina Milenyo, Ondoy, at iba pang malalakas na bagyo.
5) Boy: Hindi na ko mahuhulog sayo.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi pag kasama kita, lumulutang na ako.
Girl: Buti naman.
Boy: Bakit?
Girl: Kasi hindi naman kita sasaluhin.
--- Wawa. Hindi sasaluhin. Pero grabe ah. Lumulutang siya! Grabe!
6) Boy: Bagay sayo maging amo.
Girl: Bakit?
Boy: Inalila mo kasi puso ko eh.
Girl: Ah. Bagay din sayo maging katulong.
--- Sabe na eh. :))
7) Boy: Ang LECTure ba pw
ede maging love?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi I think I lec you very much.
Girl: Ah. Bisaya ka pala.
--- Sabaw! :))
8) Boy: Bastos ka ah! Basta basta ka na lang pumapasok sa isipan ko!
Girl: Bastos nakahubad.
--- Hindi naman lahat eh. Di ba? Di ba?
9) Boy: Nagreview ka na ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi pasasagutin na kita mamaya.
Girl: Kahit magreview ako, hindi naman kita sasagutin.
--- Wew. SE! (Sayang effort) si Boy. >.<
10) Boy: Para kang test paper.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi nauubos oras ko kakatitig sayo.
Girl: Kaya pala wala ka masagot sa exam kasi tinititigan mo lang.
--- Yare ka sa prof mo! :P

Eh pano naman pag napikon si Boy??
1) Boy: Pwede ka ba ligawan?
Girl: Kaya mo na ba ko buhayin?
Boy: Bakit? Patay ka na ba?

2) Boy: May sasabihin ako sayo.
Girl: Ano yun?
Boy: Mahal kita.
Girl: Hindi ko naramdaman. Walang effort!
Boy: Ok. Mahal kita effort.
--- Sino si effort? Pangalan ni girl? Hahahaha!

3) Boy: Miss maangas ka ba?
Girl: Ha? (Siguradong banat to) Para sayo oo.
Boy: Tara suntukan tayo! Kanina ka pa!

----- Yan. Wag sabihan ng pick up lines ang mga babaeng pilosopo. Mababara lang kayo. Naku. Si girl naman. Wag barahin si boy. Potek. Sasabihan na nga lang ng pick up lines. Babarahin pa. Hahaha! Grabe. Ayan. Gumanti tuloy si boy. Hahaha! Eh di ako na korni yung blog. :))

Ang mundo ng mga tulala... ni Jessa Fabella

 Mahilig akong tumulala kapag walang ginagawa. Ang sarap kasi sa pakiramdam na hindi mo namamalayan ang mga nasa paligid mo. Tititig ka lang sa isang perpektong anggulong magtatangay sa iyo sa kawalan. Pambihira, habang isinusulat ko ito, hindi ko namalayang halos sampong minuto akong nakatunganga sa harap ng monitor. Ang sarap nga naman talaga sa pakiramdam, parang ibang mundo ang ginagalawan kapag nakatulala. Para bang napapahinga ang utak sa sobrang pag-iisip, iwas over heat nga naman. Some says that an idle mind is a devil's workshop, totoo ito pero hindi sa pagkakataong nakatulala ako. Iba kasi ang mga naiisip ko kapag ganitong mga pagkakataon. All I think about is perfect happiness, sinasamantala ko lang ang pagkakataong lumilipad ang utak ko. Wala sa realidad kaya madaling umimbento ng magagandang pangitain. Masayang pampalipas oras na wala pang bayad.




Pag Ibig Nga Naman by Kenneth Dela cruz

Pag ibig nga naman

Hindi maitatangi na madalas ang isang relasyon o pagsasama ay nagkakaroon ng mapait na wakas.
Gaano man ito katatag sa simula ay marami pa ring bagay na sumusubok dito.Kung minsan,masarap
lang sa simula dahil nakadarama ka pa ng kilit at lambing,pero sa katagalan ay
unti-unti mo nang natutuklasan na sa mundong ito wla pa lang relasyon na sadyang nabuo ng perpekto,
lagi itong may pagsubok.Mahal mo siya?At gagawin mo ang lahat ng paraan para hindi kayo mauwi sa hiwalayan.
tanggapin mong marami kayong pagkakaiba at habang tumatagal ang isang relasyon,matutuklasan mong marami talagang
bagay na hindi kayo pareho.Kaya imbes na magalit sa iyong partner ay maluwag mong tanggapin ang inyong pagkakaiba.
At kung mayroon talagang dapat na baguhin,ay pagusapan ito ng malumanay at huwag hayaang humantong ang usapan na ito sa
pagkagalit.

Mga Pamatay na Tingin ng Bakla! ni Niño Lazaro

Marami na ako nakikita o nakakasalubong na bakla na kung makatingin ay parang hinuhubaran na ang lalaki, dahil sa mga titig nito.

Isang halimbawa ang mga bakla sa eskwelahan ko ngayon, ang ibang bakla aya pagnakakasalubong ko ay tumitingin mula taas pababa sa anu ko. Haha! Minsan nakakainis na dahil ang sagwa dahil kahit anu mangyari ay parehas din kami ng kasarian, diba nga “ kung anu meron ako meron din sya “.

Meron din ako karanasan nung nagbakasyon ako sa boracay, nakakakita ako ng dalawang macho at lalaking-lalaki ang dating, pero sa unti-unti nilang paglapit habang naglalakad ay iyon pala magkahawak kamay. Haha! Napapaisip ako anu kaya nangyari sa mga lalaking iyon bakit sila naging ganun?! Ang sagwa soooobra!

Meron pa akong kilala na bakla sa Univesity of the East pero barkada siya, pero pagnakikita ako o nakakasalubong ay kung minsan, ay hindi pala minsan palagi pala akong niyayakap o kaya hahalikan sa pisnge, duh?! Bakit pa kailangan gawin ko hind ba sila nandidiri hindi naman kami talo, minsan naiinis at nahihiya na ako kasi bakla eh, tapos hahalik pa.

Isa sa mga dahilan ang tingin ng bakla, kung bakit ang mga lalaki tulad ko, ay naiinis o nasasagwaan sa ibang bakla, merong baklang malandi at meron naman na naturuan at maayos na hind halata na bakla “ silahis “ kung tawagin.

Silip ni Ma. Diana D. Carbon

Maikling Kwento

Mula sa isang liblib na lugar, malapit sa may tabing ilog ay makikita ang maliit na dampa na pinaglalagian ng mag-asawang Francis at Mae. Maliit, masukal at butas butas ang kanilang  dampa. Halata ang hirap na dinadanas ng kanilang pamilya . Kapwa dalampu’t dalawang taong gulang lamang ang magasawa at biniyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Franco.

Isang gabi, nagising si Franco mula sa patak ng ulan na tumatama sa kanyang mukha. Malakas ang ulan at ang hampas ng alon mula sa pader na kinatatayuan ng kanilang bahay ay nagpapayanig sa kanilang munting tahanan. Nakakatakot ngunit hindi alintana ni Franco ang panganib ng pagtira malapit sa tabing ilog.
           
Nang magising si Franco, panunuyot ng lalamunan ang agad niyang naramdaman kaya’t nagtungo siya sa kanilang kusina upang kumuha ng maipantatawid uhaw. Habang naglalakad, naulinigan niya ang mga ungol mula sa silid ng kanyang  magulang. Dahil sa luma’t butas-butas ito, madaling nakasilip si Franco mula sa labas ng kwarto ng kanyang magulang.
           
Nabanaag ni Franco ang imahe ng kanyang ina at isang bagong mukha na ngayon pa lamang niya nakita.Wala rin ang kanyang ama ng mga sandaling iyon kaya labis siyang nagtaka. Lumabas ito upang ayusin ang kanilang sira-sirang dampa. Kapuna puna rin sa paningin ni Franco ang kakaibang itsura ng ina. Puno ng pawis ang buong mukha nito at halata ang pagkapagod. Para bang hinugot ng taong kasama ng kanyang ina ang lahat ng lakas nito.

Sa bawat paglipas ng minuto na sinisilip ni Franco ang kanyang ina, lalong ding tumitindi ang pagnanasa ng bata na pumasok sa silid ngunit sadyang napako ang kanyang mga paa sa sahig na kanyang kinatatayuan. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang pinapanuod ang mga pangyayari sa loob ng silid. Gusto na niyang matapos ang paghihirap ng ina ngunit wala siyang magawa para ibsan ang lahat ng ito.

Sa bawat paghinga at pag-ungol, mararamdaman ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas nito. Hanggang sa isang malakas na ungol ang pinakawalan  ng ina ni Franco na naging dahilan ng pagkawala ng malay nito. Kasabay ng pagkakatahimik ng ina ang isang malakas na iyak ng sanggol.

Hindi makapaniwala si Franco sa kanyang mga nakita. Mayroon na siyang nakababatang kapatid at magiging kasangga. Hindi napansin ng bata ang biglang pagtulo ng kanyang mga luha, sabay sabing “Salamat Lord, hindi mo pinabayaan ang mama at kapatid ko”. Isang tapik mula sa kanyang likuran ang nagpabalik ng kanyang diwa. Nakita niya ang kanyang ama at agad niyakap. Sabay silang pumasok sa silid upang silayan ang munting sanggol, kasama ang kanyang ina.

POWER UP! ni Ana Keziah A. Mendoza



Hello buddies! Ito nanaman ako, nagbabalik para magkwento tungkol sa mga nangyari sa akin. Ito na, simulan na.

Alam mo yung feeling na pagod pero masaya? Ako, alam ko, (ako na may feeling). Hay! ang saya talaga di ako makaget-over, grabe ang experience na iyon. Teka, hindi ko papala nasasabi iyong experience na iyon. Last Sunday, matagumpay na naidaos ang 2nd year anniversary ng GIGS.

GIGS: POWER UP! Ayan ang theme namin. Bakit nga ba POWER? Ito meaning nyan:
P = pray
O = obey
W = worship
E = evangelize
R = read

Ang saya talaga, ang sarap tumambling, ang daming kabataan ang dumalo mula sa iba’t – ibang school at universities. Iba talaga ang pagkilos ni GOD.

Imagine, almost five months na preparation din iyon. pero masaya talaga. makikita mo ang effort ng bawat isa. Halimbawa na lang yung gabing pag-uwi, practice ng mga kakantahin, edit at paggawa ng programs at iba pa. Kahit pagod ka na, sige tuloy pa din sa paggawa. Hay nako, hindi ko inakala na matatapos namin iyon, tama nga ang kasabihan na “teamwork divides effort but multiplies it success.” O di  ba, ansaaaaaaaveeeeeh? =)

Thank You LORD! Iba talaga ang powers mo. O sige na mga buddies, sa susunod na ulit ang kwento. Tulog tulog din!

Keziah’09 – signing off